12

496 30 9
                                    


TWELVE




"Hissey..."

Mabilis na lumipas ang mga araw at sa isang iglap ay panibagong taon na naman. Pasukan na rin ng mga bata kaya ngayon ay nasa tapat ako ng kwarto nila Hissey at kumakatok para gisingin ito.

Nakaraan na din ang isang linggo magmula ng magkausap kami ni K-Kyron.

Matapos ang pagkikitang iyon at dala na din ng nalaman ko ay hindi ko mapigilang matulala minsan dahil sa pagiisip tungkol doon.

Nakagat ko ang ibabang labi nang magumpisa na namang lumipad ang utak ko.

Ayan, iniisip ko na naman.

Hays, dapat inaalis ko na sa utak ko ang naging pagu-usap namin. Wala na din naman iyong patutunguhan dahil tapos na. Hanggang doon na lang iyon. Gusto niya lang sabihin ang nararamdaman niya at wala na siyang ibang intensyon bukod doon.

Ano bang gusto kong mangyari at pilit ko pa ding iniisip ang tungkol sa bagay na iyon?

Gusto ko bang... ipagpatuloy ang nararamdaman niya p-para sa'kin?

Natigilan ako saglit dahil sa naisip ko ngunit nang mapagtanto kong kung ano anong walang ka... kabuluhan ang mga pumapasok sa utak ko ay napailing na lang ako at mabilis na itong winaksi.

Hindi dapat ako nagiisip ng ganito amp.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinagpatuloy na ang pagkatok sa kwarto ni Hissey.

"Hissey." tawag ko ulit nang hindi pa din siya lumalabas.

Ilang katok pa ang ginawa ko bago tuluyang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang batang nakasuot pa ng kanyang pajama at abala pa sa pagkusot ng mata.

"Good morning, Princess." nakangiting bati ko sakanya. Bahagyang sinilip ko pa ang loob, nakita kong mahimbing pa din ang tulog ni Helsey.

"Good morning, Mommy..." mahinang bati sa akin pabalik ni Hissey. Halatang wala pa sa kondisyon dahil kagigising lang.

"Tara na. Kumain ka na sa baba at may pasok ka pa." aya ko. Hinawakan ko ang kamay niya at giniya na siya.

Nang makarating kami sa dining room ay kaagad siyang bumitaw sa kamay ko. Mukhang nagising na ang diwa nito at masiglang lumapit sa Daddy niya para yumakap.

"Good morning, Daddy." masiglang bati niya sa ama.

"Good morning..." nakangiting bati din ni Harvin sa anak.

"I won't kiss you pa muna, daddy. Hindi pa po ako nagto-tootbrush."Bahagyang natawa naman si Harvin sa tinuran ng anak.

Matapos yumakap sa ama ay binati pa ni Hissey ang kuya niya bago ito tuluyang umupo para kumain.

"Van."

Akmang lalabas na ako ng tahimik at hindi na sana ipaparamdam ang presensya ko sakanila ngunit nabigo ako sa plano ko nang saktong pagtalikod ko ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Harvin sa baritanong boses. Natigilan ako sandali bago unti-unting lumingon.

Maayos ng nakaupo ang maga-ama sa hapag habang ang atensyon ay nasa akin.

"B-Bakit?" mahinang tanong ko.

"Join us here." aya niya.

"H-Hindi na---"

Natigilan ako sa pagsasalita at tila natuod ako sa kinatatayuan nang sa kalagitnaan ng pagtanggi ko ay walang pasabing tumayo siya.

hire as their momWhere stories live. Discover now