14

457 30 16
                                    

FOURTEEN




Pagkauwi namin ng bahay ay nandoon na ang mga bata, si Hissey at Harson, si Manong Jed na ang nagsundo sakanila habang si Helsey naman ay hindi na namin naabutang gising, nakatulog na daw ito ayon kay Manang.

Hatinggabi na din kasi nang makauwi kami, pagkauwi namin ay kumilos lang ako ng kaunti sa baba bago umakyat na din para makapagpahinga na kasama ang mga kasamahan ko. 

"Kaya ka pala masigla kaninang umaga a..." makahulugang turan ni Alliyah.

Nakatingin ito sa akin habang may malokong ngisi sa labi. Si Lisa ay nagpatuloy lang sa pagsusuklay ng buhok habang si Marisse naman ay natawa. Napanguso naman ako at nangunot ang noo.

"Pinagsasabi mo?" mahinang usal ko dahil alam ko naman kung anong ibig niyang sabihin.

"Sana all may date..." pangaasar naman ni Marisse. Sinundot pa nito ang tagiliran ko.

"Ano ba yun?" natatawang usal ko, medyo nakiliti sa ginawa ng bruha.

"Mag-kwento ka naman ang daya!" pagdedemand ni Alliyah. Lumapit pa ito sa akin, nasa magkabilang gilid ko na sila ngayon ni Marisse. Nakikisiksik sila sa higaan ko.

Nakagat ko ang ibabang labi, "Wala. Pumunta lang kami sa bahay tapos..."

Hindi ko alam kung pagliligtas ba ang tawag nang mahinto ako sa pagsasalita nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto namin. Nawala din ang atensyon sa akin ng dalawa.

"Vanessa..."

Nanlaki ang mata ko at napatingin din sa akin ang tatlo nang marinig namin ang pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Si Sir!" mahinang tili ni Marisse, "Puntahan mo na.."

Hindi kaagad ako nakabawi nang hilahin na ako nito patayo at mabilis na giniya sa pinto.

"A-Ano ba, sandali.." saway ko dito dahil tila ito kiti-kiti habang hinihila ako.

"Buksan mo na ang pinto. Keri mo yan!" Parang baliw na pagche-cheer pa sa akin ng bruha bago ito muling bumalik sa kama ko.

Napapikit ako ng mariin at nagdadalawang isip pang buksan ang pinto.

"Van?"

Kaagad akong napadilat nang muling tawagin ni H-Harvin ang pangalan ko. Rinig ko pa ang mahinang usal ni Marisse at Alliyah, pinagmamadali na ako ng mga ito na buksan ang pinto.

Mabilis naman akong napahugot ng hininga. Bago ko unti-unting buksan ang pinto.

Kanina nu'ng magkasama kami ay nawala na ang hiya ko, b-bakit bumabalik na naman?

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto ay bumungad sa akin si Harvin. Nagulat ako nang hindi ko inaasahan ang ekspresyon niya, ang kaninang kalmadong Harvin na kasama ko ay natataranta at tila hindi na mapakali ngayon.

"May problema ba?" kaagad na tanong ko, hindi pa man siya nagsasalita.

"Van, Helsey's not feeling well. Inaapoy ng lagnat and she doesn't stop crying." namamaos ang boses na turan nito. Malamlam ang mata niya at nakikita ko ang sobrang pagaalala dito.

hire as their momWhere stories live. Discover now