28

413 30 13
                                    

TWENTY-EIGHT




"Daddy, Mommy's crying po!" 

Nakagat ko ang labi nang malayo pa lamang ay kinuha na kaagad ni Hissey ang atensyon ng Daddy niya na kasalukuyang nakasandal sa kotse, hinihintay kami. 

Napalingon naman si Harvin sa gawi namin. Nang tuluyan ni kami nitong mapansin ay kaagad na itong nagsimulang humakbang palapit sa amin. Sa nanlalabong mga mata ay pinanood ko itong salubungin kami ni Hissey. 

"Hey…" bakas ang pagaalalang usal nito nang tuluyan ng makalapit sa amin. 

Naramdaman ko ang pagbitiw ni Hissey sa kamay ko at nauna na itong tumakbo palapit sa kotse, iniwan kami ng Daddy niya. 

Si Harvin naman ay pumwesto sa harapan ko. Kunot ang noo nito habang matamang nakatitig sa akin. Bahagyang pa nitong ibinaba ang sarili upang magpantay ang tingin namin. 

"Why are you crying? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong nito habang hinahaplos ang pisngi ko, pinapawi ang mga luha mula roon. 

Humihikbing umiling naman ako, bahagya kong iyinuko ang ulo, "Gusto kong kumain ng green apple.." tanging naitugon ko na lamang dahil maging ako ay hindi ko maintindihan kung bakit ako humahagulgol ng iyak ngayon. 

Bigla na lamang at hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko matapos marinig ang mga salita ni Hissey.

Hindi ko iyon inaasahang marinig mula sakaniya, at wala akong ideya na ganu'n na kalaki ang pagmamahal sa akin ng mga batang tinuturing kong sariling anak. Masyadong tumagos sa dibdib ko ang mga inusal ni Hissey at nagawa nitong tunawin ang puso ko dahilan upang hindi ko na napigilan ang pagragasa ng emosyon ko. 

Nakakahiya nga dahil pinagtitinginan na kami kanina ng ibang mga magulang na malapit sa amin dahil sa biglaan kong pag-iyak. Ngunit wala akong magawa, hindi ko talaga makontrol ang nararamdaman ko, ganito siguro talaga kapag buntis. 

Bahagyang natigilan si Harvin dahil sa isinagot ko ngunit kalaunan ay natatawang napabuntong-hininga na lamang ito. 

Bahagyang nanigas ako sa kinatatayuan nang hapitin ako nito palapit ako sakanya. Napapikit na lamang ako at nahihirapang napalunok nang maramdaman ko ang magaang halik niya sa noo ko. 

"We'll eat a green apple later, okay? Hush now…" Ang pagbulong nito sa tainga ko ay naghatid ng kiliti sa akin dahilan upang magwala ang mga paro-parong namamahay sa tiyan ko. 

Napayuko ako, "Bakit tayo? Ako lang… gusto ko ako lang ang kakain." bulong ko. 

Napanguso ako at naramdaman ko ang pagbilis pa lalo ng kabog sa bandang dibdib ko nang marinig ang tawa ni Harvin. 

"Okay…" natatawang usal niya.

Nakagat ko muli ang labi nang maramdaman ko ang pag-alis nito sa harapan ko, ngunit pumwesto ito sa gilid ko, ipinulupot ang isang braso sa likod ko at iginiya na ako palapit sa kotse kung saan naghihintay na ang mga bata. 

"Congratulations, Harson and Hissey!"

Sinalubong kami ng masiglang pagbati para sa mga bata mula sa mahahalagang taong naghihintay sa amin nang tuluyan na kaming makauwi ng mansiyon. 

Nandito si Tita Helena, ang mommy ni Harvin. Pinapunta din ni Harvin ang pamilya ko, si Nanay at ang mga kapatid ko ngunit hindi nagawang makadalo ni Vincy dahil abala ito sa mga schoolworks niya ngayon, graduating na din kasi. 

At siyempre, hindi mawawala sa selebrasyon ang mga naging abala sa paghahanda, si Manang at ang mga kasamahan ko. 

Simpleng salo-salo lamang ang mangyayari, kami-kami lamang din na pamilya ang magdidiwang ayon na din sa kagustuhan ng mga bata. 

hire as their momWhere stories live. Discover now