3

709 35 2
                                    

THREE


Abala ako sa pagdidilig sa malawak na hardin ng mga Villaruel. Sinasamantala ko na kasalukuyang naglilibang ang alaga kong si Helsey sa ibang bagay at ginamit ko itong oras para maglinis at magmuni-muni.

Hindi ko pa din kayang pabayaan ang trabaho ko at bigla na lang magdonya-donyahan dahil may kasunduan kami ni Sir Harvin.

Nag-init na naman ang mukha ko at muntikan ko ng mabato ang hawak kong hose nang maalala na naman ang naging ganap kagabi. Napailing-iling, pinilit niyuyugyog ang malanding utak.

Halong hiya at... hindi ko maipaliwanag na pakiramdam ang nararamdaman ko sa nangyaring biglaang proposal ni Sir Harvin kagabi.

Hindi ko nga alam kung pagsisisihan ko ba o... matutuwa ako na bigla kong nasabi ang tungkol sa problema ng pamilya ko kagabi... tama bang tinanggap ko ang alok niya kapalit nu'n?

Nakagat ko ang ibabang labi nang sa gitna ng pagiisip ko patungkol sa nasabi ko kagabi ay biglang dumako ang imahe ng pagluhod ni Sir Harvin sa harap ko at... tila may init na dumaplis sa balat ko at parang muli kong naramdaman ang mainit niyang yakap at Ang kiliti na dulot ng malamig niyang boses sa tainga ko.

"Kyaahhhh!"

Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakalunod ng isip at muntik ko ng mabitawan ang hoses na hawak nang makarinig ako ng matinis na tili.

Sandali, si Helsey 'yon a!

Dali-dali kong pinatay ang hose at iniwan na lang ito basta. Maagap akong tumakbo para hanapin kung saang gawi naroroon ang alaga ko.

Nang matunton ko ang bata, nabungaran ko itong nakaupo sa damuhan habang hindi pa din natitigil sa pagtili. Natatarantang lumapit naman kaagad ako sakanya.

"Baby, bakit?" nagaalalang tanong ko.

Kaagad ko siyang binuhat. Bahagyang nadumihan pa ang damit at ang braso ko dahil dumikit sakin ang dress niyang may mga putik putik na dulot ng pagupo niya sa damuhan.

Sinuri ko din ang buong katawan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala naman siyang sugat o galos man lang.

"Mommy!" tila takot na takot na turan nito at niyakap ng mahigpit ang braso sa'kin.

Tumingin-tingin ako sa paligid, hinanap kung ano ang dahilan ng pag-tili niya pero wala naman akong nakitang kakaiba.

"Bakit?" tanong ko. Hinaplos ko ang buhok niya para makalma kahit papaano.

"Mom, I saw a frog. Waaah! It's scary mommy, it's so big! It looks like a monster!" nanginginig ang boses ng bata at halos hindi ko na maintindihan sa sobrang bilis na kwento niya.

Bahagyang napangiti at napailing naman ako. Nakahinga din medyo ng maluwag nang malaman ang dahilan ng pagkataranta ng cute na batang ito.

Pinagpatuloy ko ang paghaplos sa buhok niya at marahan kong dinampian ng halik ang pisngi niya. 

"Akala ko naman kung napano ka na." natatawang turan ko, "Huwag ka ng matakot sa frog baby, hindi sila monster, hindi ka nila kakainin. Tumatalon-talon lang sila para maglaro at natural lang na lumaki sila kasi natutulog sila kapag tanghali. Kaya ikaw matulog ka ng tanghali, para maging big ka din." pambobola ko sa bata.

"No! I don't want to be big like them. I don't want to be mukhang monster like them, Mommy. They are so kadiri pa." nakangusong turan niya.

Napangiwi at napailing ako sa naging katwiran ni Helsey.  Mali ata ang ginawa kong example, ayaw ng lumaki ng bata. Niliteral niya talaga ang sinabi ko.

hire as their momWhere stories live. Discover now