15

388 23 24
                                    


FIFTEEN



Isang linggo na ang nakakalipas magmula ng magka-sakit si Helsey. Ngayon ay magaling na ang bulinggit at makulit na naman siya.

"Mommy, is it okay?" tanong ni Hissey, "Do I look pretty?" Umiikot-ikot siya sa harap ko habang suot-suot ang kulay puting dress na may mga bulaklaking designs.

"Yes naman, ang ganda mong tingnan anak..." nakangiting sagot ko habang pinapanood siyang umiikot-ikot.

Tumigil na siya sa ginagawa. Nagniningning ang mga matang bumaling siya sa akin, "Really?" Tumango-tango naman ako.

"Thank you, mommy hihi..." usal niya at tumakbo na palayo sa akin.

Bumaling naman ako sa malaking orasan na nakadikit sa pader. 7:30 na ng umaga.

"Harson..." tawag ko sa bata na nakaupo at mukhang naghi-hintay na lamang, "Paki-tingnan na nga si Helsey, aalis na tayo." utos ko dito. Tumayo naman ito at pumanhik na sa taas.

Dumiretso na ako ng lakad sa labas. Kaagad kong nakita si Harvin... chine-check niya na ang kotse niya.

"Okay na?" tanong ko sakanya. Napabaling naman ito sa akin at nakangiting tumango.

Plano naming mag-simba ngayon dahil linggo. Pagkatapos ay... magbibigay na kami ng invitation... para sa kasal... oo, matutuloy talaga ang kasal.

Medyo kinakabahan din ako kasi... ano ipapakilala niya rin ako sa personal sa mommy niya... pero nagka-usap na kami ng mommy niya sa cellphone nung Huwebes, hindi ko pa din maiwasang kabahan... lalo na at personal na kaming magkikita.

Mabait naman ang mommy niya. Masayahin at sweet ang mommy base sa boses niya sa cellphone... ang isipin lang na iyon ang nagpapanatag sa loob ko.

"C'mom lavanos everybody let's go i know that we can do it... I know that we can do it!"

Parehas kaming napalingon nang marinig namin ang kanta ni Helsey na kalalabas lang ng mansyon. Tumatalon-talon pa ang bulinggit. Kasunod niya naman ang ate niya.

"Daddy!" pasigaw na tawag ni Hissey sa daddy. Nilagpasan kami ng kapatid niya at patakbong yumakap ito sa daddy.

Natatawang hinaplos naman ni Harvin ang buhok ng anak na mahigpit na nakayakap sakanya, "What do you need?" pabirong tanong nito.

Umangat naman ang tingin ni Hissey sa daddy niya, "Huh?"

"Anong kailangan mo? I know that you're just sweet to me when you need something..." turan ni Harvin. Natawa naman ako sa sinabi nito.

Napabitaw naman ng yakap si Hissey at humalukipkip sa harap ng daddy niya. Kahit nakatalikod siya sa gawi ko, alam kong humahaba na ang nguso nito.

"Kyaaah! You're so bad, daddy. I'm just being sweet here.." depensa nito. Nakangising nagkibit-balikat lamang si Harvin.

"Daddy... buhat..." sabat ni Helsey. Kinarga naman niya ang anak habang si Hissey ay nakakapit sa laylayan ng polo na suot niya.

Lumabas na din si Harson. Nagsipuntahan na kami sa kotse. Si Harvin ang nag-drive hanggang sa makarating kami sa simbahan.

Nakarating kami na hindi pa nagu-umpisa ang misa... mabuti na lang. Pinili naming umupo malapit sa unahan pero parang mali ang desisyon namin... nakakahiya kasi inaantok-antok ang bulinggit naming kasama pero okay lang naman, bata naman e.

Saktong pagtapos ng misa ay nagising na din ang bata. Masigla na ulit siya.

Hindi na inaantok ang bata pero nagutom naman ito kaya sa Jollibee kami dumiretso matapos mag-simba.

hire as their momWhere stories live. Discover now