19

416 25 11
                                    

NINETEEN



Nang magising ako ay kaagad kong naramdaman na may nakayakap sa akin.

Hindi pa gaanong gising ang diwa ko kaya hinayaan ko muna ang matang nakapikit at unti-unti ko itong minulat.

Bumungad sa akin ang kisame. Tumingin ako sa kanan ko at doon ko narealize na nasa hotel pa rin kami dahil sa ayos ng lugar.

Nang bumaling ako sa kaliwa ko, ang lalaking mukhang mahimbing pa ang pagkakatulog ang bumungad sa akin,  ang mga braso nito ay nakayakap sa akin mula sa ilalim ng kumot na nakatakip sa amin.

Naramdaman ko ang pagi-init ng pisngi ko nang maalala ko ang nangyari s-samin kagabi.

Hindi pa din ako makapaniwala,  tila panaginip lang iyon pero dahil sa kaunting hapdi na nararamdaman ko sa pagitan ng hita ko ay alam kong totoo... pinaubaya ko nga ang pinakai-ingatan ko sakanya.

Natigil lamang ako sa pagi-isip tungkol sa bagay na iyon nang marinig ko ang tunog ng ringtone ko.

Dahan-dahan kong kinuha sa bedside table ang cellphone ko. Iniingatan kong hindi magising si Harvin.

Pabulong lang ang boses ko habang nakikipag-usap sa kabilang linya kung saan si Trix ang nandoon. Pinaalala niya lamang sa akin ang schedule namin ngayon.

"Sige,  pupunta na kami diyan. Salamat..." turan ko.

Muli kong nilapag ang cellphone sa kung saan ito  nakalagay kanina.

Napakagat ako ng labi nang subukan kong umupo,  m-medyo masakit pa din pero nagawa ko naman.

Aayusin ko na sana ang pagkakaupo ngunit kaagad akong natigilan nang higpitan ni Harvin ang pagkaka-yakap sa akin.

Bahagyang napalunok ako nang pagharap ko sakanya ay dilat na ang mapupungay nitong mata. Nakatingala siya sa akin at sumisilay ang ngiti sa labi.

"Morning,  wife."

Tila nagtindigan ang balahibo ko at muli akong napalunok dahil sa malambing na medyo namamaos niyang boses.

"Ah,  g-good morning... Tara na,  aalis pa tayo ngayon..." Hindi ako makatingin ng diretso sakanya dahil pumapasok na naman sa isipan ko ang nangyari sa amin kagabi.

Akmang tatayo na ako pero kaagad niya akong pinigilan gamit ang mga brasong nakayakap sa baywang ko.

"Still sore?" tanong niya sa akin. Nahihiyang napatingin naman ako sakanya. Tumango ako bilang sagot.

Maingat na hiniga niya ang ulo ko sa dibdib niya,  "Let's just stay in this position for awhile." bulong niya.

Hindi na ako pumalag at hinayaan na lamang ang ganitong posisyon.

Maya-maya lang ay siya na din ang kumalas sa yakap at inabot sa akin ang robe na malapit sakanya. Hindi ko alam na may robe doon,  siguro ay nilagay niya iyon diya'n p-pagkatapos namin.

"Here." bigay niya sakin.

Kinuha ko naman iyon. Inalalayan niya pa akong umupo maging sa pag-suot ng roba.

Sinubukan ko ng maglakad pero hindi pa man ako nakakadalawang-hakbang ay naramdaman ko na ang pananakit malapit sa puson.

Titiisin ko na lang sana ngunit nagulat ako nang  bigla akong buhatin ni Harvin. Hindi na ako nakapalag nang siya na mismo ang nagdala sa akin sa tapat ng cr.

Binaba niya ako malapit sa pinto. Akala ko ay tatalikod na siya kaya hindi kaagad ako nakabawi nang masuyo niyang halikan ang labi ko.

Napaawang ang labi ko nang bitiwan niya iyon. Pinagdikit niya pa ang mga noo namin.

hire as their momWhere stories live. Discover now