17

380 27 31
                                    

SEVENTEEN




"We will miss you po!" Yumakap si Hissey sa daddy at tiningala ito.

"Mommy."

Napabaling naman ako kay Helsey na dahan-dahang yumakap sa baywang ko. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses nito.

Magaang hinaplos ko ang buhok niya.

"Don't be sad na, baby okay? Babalik din kami." pagaalo ko. Tiningala niya ako at ngumuso ang bata.

"But... where are you going?"

Bumaling naman ako kay Harvin. Pinapalipat nito sakanya ang anak at masuyong hinalikan sa pisngi. May Kung anong binulong si Harvin sa anak na biglang nagpabago ng mood ng bata. Nagliwanag na ang mga mata nito.

Bahagyang nangunot naman ang noo. Kuryoso kung anong pinagusapan ng mag-ama.

"Do you want that, baby?" malambing na tanong ni Harvin sa anak.

Tuwang-tuwang tumango naman si Helsey sa tanong ng daddy niya, "Yes, daddy. I want a baby hihi..."

Natigilan ako at nanlaki ang mata sa sinabi ng bata.

Ba... baby?

Ayon ang s-sinabi ni Harvin... ga... gagawa kami n-ng baby?

"Baby, daddy?"

Nakatulala pa din ako habang nakatingin sa nakangising si Harvin at ang natutuwang bata, sumama pa si Hissey sakanila.

"Harvin..." may tonong pagbabanta na tawag ko.

Natatawang lumingon naman ito sa akin. Umayos na ng tayo, "Why?"

Sumama ang tingin ko sakanya at ngumuso ako.

Hindi kaagad ako nakabawi nang bigla siyang dumukwang at mabilis na halikan ang... labi ko.

Naka-awang ang bibig na napatingin ako sakanya. Nginitian niya lamang ako. Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko at mas lalo pang nag-hurumentado ang puso ko n-nang... hindi ko inaasahan na kikindat si Ha... Harvin sa gawi ko.

Napatingin ako sa batang kalong-kalong niya. Nakatakip ang mata nito... at ang batang nasa tabi niya naman, si Hissey ay ganoon din.

L-Lokong Harvin 'to... nagnanakaw ng halik.

"Helsey, Hissey. Come here, aalis na ang mommy at daddy niyo."

Napabaling kami sa kalalabas lamang na Mommy ni Harvin. Bumaba na si Helsey sa pagkaka-kalong ng daddy at parehas na silang tumakbo ni Hissey papunta sa Lola.

Humawak sa baywang ko si Harvin at giniya ako palapit kay Tita.

"Aalis na po kami..." paalam ko, "Pakisabi na lang po kay Harson na umalis na po kami..."

Matapos ang paalaman ay sumakay na kami ni Harvin sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago umikot at sumakay sa driver seat.

Napagplanuhan namin na... na magkaroon ng honeymoon.

Hindi ko alam kung kailangan ba talaga iyon pero mukhang okay lang naman para... magkaroon naman kami ng bonding ni Harvin ng kami lang dalawa at... mawala na ang ilang ko sakanya dahil kailangan na kumportable ako lalo na't... asawa ko na siya.

Hindi pa din ako makapaniwala pero... totoo talaga... totoong-totoo.

Hinintay muna naming makapasok ang mga mag-lola, kumaway muna sila samin at nang tuluyan ng mawala sa paningin namin ay pinaandar na ni Harvin ang sasakyan.

Bigla akong napatingin kay Harvin at bumaba ang mata ko sa kamay niyang ngayon ay nasa hita ko na,  nagpapahinga doon.

"You can sleep if you want." alok niya sa akin.

hire as their momWhere stories live. Discover now