11

490 27 14
                                    

ELEVEN



Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Simpleng pulang blouse at pantalon ang suot ko. Ngayon ko balak makipagkita kay Kyron.

Naguguluhan man kung anong sasabihin niya dahil wala ako kaide-ideya ay napagpasyahan kong tanggapin ang imbitasyon niyang magkita kami. Nakakahiya naman kung hindi ko siya pagbibigyan at isa pa, kuryoso din ako sa kung anong gusto niyang sabihin.

"Manang alis po muna ako." paaalam ko nang makasalubong ko ito habang pababa ako ng hagdan.

Bumaling naman ito sa'kin, "Sige, Vanessa. Mag-ingat ka."

Nginitian ko lang si Manang at nagpatuloy na ako sa pagbaba.

Nadatnan ko si Hissey sa sala. Nanonood ito ng cartoon ngunit kaagad tumayo at lumapit sa akin nang mapansin ako.

"Mommy aalis ka na po?" tanong niya. Malambing na yumakap ito sa baywang ko.

"Yes po..." sagot ko habang marahang hinahaplos ang malambot niyang buhok.

"Take care, Mommy!" masiglang turan niya.

Pilit niya akong inaabot kaya yumuko na ako. Humalik siya sa pisngi ko.

Pagkatapos kong makipagpaalaman kay Hissey ay tuluyan na akong umalis. Hindi ko na pinuntahan pa si Helsey dahil bukod sa tulog pa ito ay baka mahirapan pa akong umalis kapag nalaman nitong aalis ako ngayong araw.

Nilakad ko lang ang palabas ng village. Ayos lang naman dahil malapit lang naman ang main gate. Ayaw ko ding magpahatid kay Manong Jed at balak kong mag-commute na lang.

Dapat nga ay sasama sa akin ngayon si Harvin. Kasama ko siya nu'ng nabasa ko ang text ni Kyron. Nagpaalam ako at kaagad din siyang nagsabing gusto niya akong samahan.

Nagulantang ako sa gusto niyang mangyari. Hindi ko nga alam kung paano siya tatanggihan dahil... nakakahiya... at ang awkward dahil si Kyron ang kikitain ko.

Wala na akong nagawa kung hindi pumayag na lang sa gusto niya pero parang pinaburan ako ng langit dahil hindi natuloy ang plano niyang pagsama. May naging biglaang meeting na naman siya sa kumpanya niya.

"Magandang tanghali, Vanessa." bati sa akin ng guard nang makarating na ako sa main gate.

Ngumiti naman ako at tumango, "Magandang tanghali din, Manong." bati ko din pabalik.

"Oh, saan ang lakad mo ngayon?"

"May kikitain lang akong kaibigan, Manong.."

Akmang magaabang na ako para maghanap ng taxi pero kaagad akong pinigilan ni manong.

"Ako na ang maghahanap ng taxi sayo. Saglit lang." prisinta ni Manong.

"Hala, salamat manong."

Pinatayo lang muna ako ni Manong malapit sa guard house at kinuhanan niya ako ng taxi. Hindi din nagtagal ay tinawag na ako nito at may katabi na siyang taxi para sa akin. Kaagad naman akong lumapit sa gawi ni Manong.

Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng taxi ay nagpasalamat muna ako kay Manong. Tumango lang ito at pinaalalahan akong mag-ingat.

"Saan po kayo, Ma'am?" tanong sa akin ng Driver.

"Ah, sa Heaven park po."

Bago paandarin ni kuya ang taxi ay nagbukas muna ito ng radyo kaya habang nasa byahe ay nalilibang ako sa pagtingin sa labas at pakikinig sa patugtog niya.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe at enjoy na enjoy ako sa pagtanaw tanaw sa labas nang biglang tumugtog ang pamilyar na kanta sa radyo ni Kuyang Driver.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong Stupid love ng Salbakuta ang pinatutugtog. Tila awtomatikong pumasok sa isip ko si... Harvin a-at ang paghe-headbang niya nang isang beses habang magkasama kami sa loob ng kotse. Ito din ang tugtog.

hire as their momTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon