9

497 31 12
                                    


NINE




Hindi ko alam kung nalipasan na ng panahon... hindi ko alam kung wala na akong nararamdaman para sakanya, ang alam ko lang ay matagal din akong nagkaroon ng paghanga kay Kyron.

Hindi ko alam kung simpleng paghanga lang ba iyon o mas malalim pa doon, ang alam ko lang din ay may espesyal akong naramdaman para sakanya.

"Mommy, magme-meet po ba ulit kayo ng guy na friend niyo po?"

Mula sa pagtulala sa telebisyon na barbie ang palabas ay napalingon ako sa kaliwa ko kung nasaan si Hissey nang magtanong ito.

"Huh?" wala pa sa sariling usal ko.

"'Yung friend niyo po na guy na nitawag po kayo sa mall, will you meet him again?"

Napaawang naman ang labi ko nang makilala ang tinutukoy niya. Si Kyron, ang lalaking iniisip ko din ngayon.

"B-Bakit?"

Halos magkandabuhol-buhol ako sa pagsasalita. Hindi ko inaasahan na matatandaan pa iyon at masasagi pa sa isip ni Hissey ang pagkasalubong namin kay Kyron kahapon.

"Ano po... hihi crush ko po siya."

Nanlaki ang mata ko sa siniwalat ni Hissey. Namula pa ito ng bahagya na tila nahihiya sa sinabi.

Napabaling ako sa kanan ko kung nasaan si Helsey ngunit wala itong pake sa amin ng ate niya at tutok lamang ang mata sa pinapanood.

"Ang bata mo pa Hissey para sa ganiyan... tsaka ilang taon na si Kyron." paalala ko dito.

Napanguso naman si Hissey, "Crush lang naman po, ih." turan nito, "He looks like a prince charming po kasi Mommy.." Kumikislap pa ang mata ng bata.

Hindi ko na mapigilan ang pag-iling nang magsimula ng maging bukam-bibig ni Hissey si Kyron. Pati bata ay... nabihag niya.

Hindi ko itatangging una kong nagustuhan si Kyron dahil sa mukha nito, hindi mapagkakaila ang kagwapuhan nito nu'ng binata pa at mas lalo lang nadepina ngayong nag-mature na din siya.

Katulad ng sinabi ni Hissey... mukha nga siyang prince charming. Bukod sa angking kagwapuhan ay maganda pa ang ugali.

Natapos ang panonood namin na si Helsey lang ang nanood habang si Hissey ay panay ang salita patungkol kay Kyron at ako naman ay nakikinig lang at minsan-minsang lumalayo ang isip.

"Magluluto na ako para sa pang-noche buena natin."

Nandito na kami ngayon sa kusinang tatlo. Nakasunod pa din talaga sila sa akin na parang kapag umalis sila sa tabi ko ay mawawala ako.

"I will help!" Kaagad na prisinta ni Helsey habang nakataas pa ang kamay.

"No way! Baka hindi maging masarap..." kumento naman ni Hissey sa kapatid niya.

Napangiwi ako nang mawala ang malaking ngiti sa labi ni Helsey at napanguso ito. Nagpapaawa ang mukha at tila iiyak na bumaling sa akin ang bata.

"Mommy, si ate oh!" sumbong niya.

Patakbong lumapit ito sa akin at yumakap sa baywang ko.

Yumukod ako ng kaunti para makabulong sa tainga ni Helsey, "Punta ka muna sa Daddy mo, isumbong mo si Ate Hissey."

Napatingala naman sa akin ang bata na may malaki ng ngiti sa labi. Mukhang nagustuhan ang binigay kong ideya.

"Sige na baby, magluluto lang si Mommy doon ka muna."

hire as their momWhere stories live. Discover now