2

747 41 7
                                    

TWO


"WAAH! Hala, ang swerte mo naman ate!"

Halos mabingi ako sa tili ni Marisse, isa sa mga  kasamahan ko, at magkandahilo-hilo sa ginawang pagyugyog nito sa akin.

Nang matapos ang hapunan ng maga-ama at matapos na din naming mga kasambahay ang dapat gawin ay umakyat na kaming lahat. Ang mga kasamahan ko ay wiling-wili na pumunta na kami sa kwarto para marinig na ang paliwanag ko tungkol sa nakakagulantang na hapunan na nangyari sa dining area kung saan kasalo ako ng mga Villaruel sa pagkain.

Ang mga Marites, nabubuhay na naman.

Pagkapasok pa lang namin sa kwarto ay bumungad na sa akin ang usisa ng mga kaibigan. Wala na akong nagawa kung hindi magkuwento dahil tila hindi na sila makapaghintay na malaman kung ano ang nangyayari.

Sa una, matapos kong ipaliwanag ay halos mga tulala pa ito at tila hindi makapaniwala ngunit nagulat na lang ako nang sabay sabay silang magtilia at halos manggigil sa pagyugyog sa akin. Naloka ako sa eksaheradang reaksyon ng mga bruha.

"Aray naman.." natatawang daing ko sa ginagawa ni Marisse. Tumigil na ang dalawa pero siya ang hindi pa din napapagod sa kakayugyog sa akin, tumatalon-talon pa ito sa kama.

"Ang swerte mo talaga..." Natigil naman ito sa pagyugyog sa akin ngunit ang malaking ngiti ay hindi mawala sa labi. Tila tuwang tuwa ito sa nangyayari buhay ko.

Napangiwi ako, "Anong swerte du'n? Magiging instant mommy, nanay, ina ako mga bruha!" Pinipilit kong ipaintindi sakanila ang papasukin ko.

Natigil naman si Marisse sa pagtalon-talon at napalitan ng ismid ang kaninang malaki niyang ngiti.

"Ay nako, girl huwag ka ng mag-inarte," si Alliyah naman, "Ulam na ang lumalapit, go na sunggab na!"

Napangiwi ako. Parang ang dali lang sabihin ang ganun pero...

"B-basta ayoko...." mahinang turan ko at kinagat-kagat ang daliri.

Ang nasa isip lang kasi nila ay magiging asawa ako ni... Sir Harvin. Kung iisipin nga ay talagang pabor sa akin iyon. Kung sa yaman pagbabasehan ay paniguradong panalo ako kay Sir.

Bukod pa sa yaman nito ay maganda din ang personalidad ni Sir base sa pakikitungo niya sa amin at sa mga anak niya. May angking karisma at kagwapuhan din si Sir Harvin na aaminin kong... h-hinahangaan ko.

Pero hindi iyon ang basehan... hindi ako pwedeng um-oo na lang sa ganitong bagay nang dahil lang doon.

Madali lang din naman ang gusto nila... gusto nilang maging nanay ako ng mga batang aalagaan ko. Madali lang magpatawag, madali lang silang ituring din na anak dahil sa katunayan ay napamahal na din ako sa mga batang Villaruel. Ngunit alam kong hindi biro ang responsibilidad ng pagiging ina. Mababait naman ang mga bata pero kasi... hindi ko alam kung handa ba akong tanggapin ang ganito.

"Bahala ka sa layp mo ate! Hay nako... pero hala magpapakasal talaga kayo ni Sir?" sabat naman ni Lisa.

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya at kaagad kong winagayway ang kamay, "H-hala hindi... wala lang 'yun. Siguro ay nagbibiro lang ang maga-ama, hindi seryoso ang mga nangyayari. Ginagawa lang nila iyon para sumaya si Helsey, sigurado ak---"

Natigilan ako sa pagdedepensa nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kaming apat. Tiningnan ko kung sinong wala pa dito sa amin sa kwarto. Kumpleto naman kami. Kung si Manang... may ibang kwarto iyon.

Unti-unti ay may namuong hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Hindi maganda ang kutob ko sa kung sino ang kumakatok. Ngunit kaaagad kong winaksi ang kung ano-anong iniisip. B-Baka si Manang lang talaga iyon.

hire as their momWhere stories live. Discover now