22

653 35 17
                                    

TWENTY-TWO




"Masaya ka ba?" tanong ko kay Harvin nang nasa kama na kami.

Hindi ako nag-abalang lumingon sakanya at pinagpatuloy ko lamang kainin ang fries na pina-deliver pa niya kanina dahil bigla akong nag-crave dito.

Tumitig ito sa akin at unti-unting kumunot ang noo, "Of course, we're having a baby, Vanessa, why wouldn't I?"

Napanguso ako. Bahagyang tumingala para magpantay ang tingin namin. Natawa ito ng mahina nang titigan ko siya.

"What?" nakangising tanong niya. Mas lalo akong napanguso at napaismid nang masuyong halikan niya ang noo ko.

"Parang hindi ka naman excited." mahinang usal ko. Muli ko ng binaba ang atensyon sa kinakain at walang ganang ngumuya ng isang piraso ng fries.

Napaigtad ako at naramdaman ko ang awtomatikong pagbilis ng kabog sa dibdib ko nang hinapit niya ako palapit sakanya at ang isang kamay ay marahang hinaplos ang tiyan ko.

"Should I jump and scream?" namamaos ang boses na bulong niya sa tainga ko.

Nakagat ko ang labi at nagkibit-balikat ako.

Naalala kong hindi nga pala siya katulad ng mga leading man sa palabas na kapag nalalaman nilang buntis ang asawa ay OA ang mga reaction.

May pagbuhat pa at pagsigaw tapos tuwang-tuwang ibabalita ito kahit sa hindi kilala na magiging tatay na sila.

Napailing na lamang ako sa sarili.

Iba talaga ang epekto kapag buong buhay ay tanging pagbabasa at panonood lamang ng mga teleserye ang nagpapakilig sayo.

"Parang may kulang sa fries." kunot ang noong biglang usal ko. Natigil ako sa pagkain, "Parang hindi masarap.

"You want to dip it in a ketchup, wife?"

Kaagad akong napangiwi sa suhestiyon niya, "Ayoko ng ketchup."

Dumako ang mata ko sa bedside table na nasa banda ni Harvin. May mga pagkain pa doon, sa pagkakaalam ko ay fried chicken ang laman ng dalawang karton na nandoon.

Napangiwi ako nang makita ang ketchup sa tabi nu'n ngunit kaagad nanlaki ang mata ko nang makakita ng gravy.

"Harvin, pakikuha nga nu'ng gravy..." nguso ko.

Kaagad namang inabot sa akin ni Harvin ito at natutuwa ko itong binuksan. Umupo ako at nilagay sa binti ko ang gravy. Sinubukan kong isawsaw ang fries sa gravy hanggang sa hindi ko namalayan na nage-enjoy na akong gawin iyon.

"Ang sarap!" natutuwang kumento ko, "Bakit ngayon ko lang 'to nadiskubre, hays.... try mo!" baling ko kay Harvin.

Nasamaan ko siya ng tingin nang kaagad siyang umiling na may nandidiri pang ekspresyon. Kaysa ma-buwisit kay Harvin ay iniwas ko na lang ang tingin sakanya at pinagpatuloy ko lang ang masayang pagkain.

Bahala siya diyan. Ang sarap kaya!

"Pinapunta ko dito si Nanay at ang mga kapatid ko pati ang mga kaibigan ko..." paalam ko kay Harvin.

Bago ako bumaba para mag-almusal ay tinawagan ko na silang lahat. Ngayon ko lang nasabi kay Harvin dahil nang magising ako ay wala na siya sa kwarto at dito ko na siya naabutan sa dining area.

"Tinawagan ko din ang Mommy mo, kaso naka-out of the country pala siya ngayon..."

Tumango lamang si Harvin, "Let's prepare for your family and friends later, then..."

Natutuwang tumango lamang ako. Sa totoo lang ay nag-invite din ako ng mga kaibigan niya pero hindi na ako nag-abalang sabihin sakanya, makikita niya din naman mamaya.

hire as their momWhere stories live. Discover now