4

734 37 10
                                    

FOUR


Matapos kong ilagay ang mga pinamili na mga damit at kung ano ano pa ni Helsey sa kwarto niya ay kaagad na din akong nagpaalam kay Sir Harvin habang ito ay nanatili pa sa kwarto ng anak.

Habang naglalakad patungong kwarto kung saan ako naglalagi ay hindi ko mapigilan ang matulala. Patuloy pa din kasing bumabalik sa isip ko ang interaksyon namin kanina ni Sir. 

Hindi na naman nadugtungan ang paguusap namin pagkatapos ng nakakahiya kong pagbibiro dahil saktong nasa tapat na kami ng kwarto ni Helsey. Mabuti ay naging abala na siya sa pagaayos sa anak habang ako ay mabilis na nilagay ang mga shopping bag at hindi naman pumalag pa si Sir nang umalis na ako. At doon na nagtapos iyon.

Pagdating ko sa kwarto naming mga kasambahay ay si Alliyah lang ang naabutan ko. Mukhang hindi pa ako nito napansin dahil abala ito sa pagce-cellphone niya habang nakadapa sa kama.

Unti-unti akong lumapit dito, "Hoy!" panggugulat ko sakanya.

"Siraulo ka!" gulat na singhal nito. Lumingon ito sa gawi ko habang hawak-hawak ang bandang dibdib niya, "Aatakihin ako sa puso sayong gaga ka.."

"Busyng-busy ka kasi pagtetext mo diyan kaya ka nagugulat." nangaasar na turan ko.

Umupo na ako sa kama ko ngunit nakaharap pa din sakanya. Nagpatong lang ako ng unan sa kandungan ko. Siya naman ay umupo din kaya magkatapatan na kami ngayon.

Ang plano ko ay matulog na kaagad pagdating sa kwarto pero dahil naabutan kong gising pa si Alliyah ay parang  gusto kong makipagkwentuhan pa dito.

"Paanong hindi magugulat sayo para kang kabute, bigla-biglang sumusulpot." usal nito at umirap sa akin.

Natawa naman ako at mapaglarong ngumisi, "Sino ba kasi iyang ka-text mo?" usisa ko. Tinaas-baba ko pa ang kilay.

Napaismid naman ito sa akin at humalukipkip, "Ikaw? Kamusta naman ang lakad mo kasama si Helsey? At kamusta naman ang gabi mo? Nandyan si Sir Harvin a, nagusap ba kayo ng future husband mo?" mabilis niyang pagiiba ng usapan. Unti-unti namang nawala ang ngiti sa labi ko at nalipat ito sakanya.

Sa isang pitik ay bigla akong nawalan ng ganang makipag-asaran kay Alliyah. Binabawi ko na ang sinabi kong gusto kong makipagusap sakanya. Humiga na ako patalikod sa direksyon niya at nagtalukbong na ng kumot.

"Hoy!" natatawang singhal ni Alliyah. Binato ako nito ng unan na tumama sa bandang balakang ko.

Hindi ko na siya pinansin at sinubukan ko na lang na matulog.

"Oh, akala ko ba maguusap tayo." nanunuyang turan pa nito, "Mahina ka pala e."

Hindi ko na pinagtutuunan ng pansin ang pinagsasabi ni Alliyah at hinayaan ko ang sariling magpahinga. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod mula sa pinaggagagawa ko kanina, ang sarap sa pakiramdam na nakahiga na at napapikit ang mata.

Tumigil na rin naman si Alliyah sa panggugulo sa akin kaya naging payapa na ang pagpapahinga ko. Malapit na sana akong kainin ng antok ngunit bigla naman iyong naudlot nang may pamilyar na ringtone ang umalingawngaw sa buong kwarto.

Kaagad kong kinapa ang cellphone ko dahil sigurado akong akin iyon. Nang makuha ay tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

Si Nanay pala. Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at umupo. Sinagot ko agad ang tawag.

"Nanay?" bati ko sa kabilang linya.

"Anak, dinala namin ngayon si Vince sa hospital."

Awtomatikong napatayo ako sa narinig hindi pa man tapos magsalita ang nanay ko. Ang pagsabi pa lang ni Nanay na sinugod sa ospital ang kapatid ko ay napadagundong na ng sobrang kaba sa dibdib ko.

hire as their momWhere stories live. Discover now