30

276 20 5
                                    

THIRTY


"Mommy, aren't we leaving yet? Let's go na po!" patalon-talon na turan ni Helsey.

Habang abala ako sa paga-ayos ng mga pagkaing dadalhin namin ay hindi ko mapigilang matawa dahil sa batang nasa harapan ko na kanina pa hindi mapakali ang mga paa. Halatang-halata ang excitement rito dahil aalis kami ng mansiyon at pupunta na naman kami sa ibang lugar.

Hindi ko inaasahan na ang sinabi ko sakaniyang sa susunod ay kami naman, kasama ang Daddy niya ang aalis at mabo-bonding nang habang kinukumbinsi ko siya na sumama sa Mommy Lissey ay tinatak niya na pala sa isipan niya.

Nagulat ako habang kumakain kami isang gabi ay sinabi niya sa Daddy ang tungkol sa pangako kong iyon na sa totoo lang ay nawala na sa isip ko. Natatawang napailing na lamang ako. Kapag usapang gala talaga, hindi nakakalimutan ng cute na batang ito.

Hindi naman nagdalawang isip ang Daddy niya at kaagad pinagbigyan ang hiling niya. Katatapos lang din naman kasi ng recognition ng mga ate at kuya niya, wala ng pasok kaya mainam din na magkaroon ang mga ito ng bakasyon.

Tinanong ni Harvin ang mga bata kung saan at ano ang gusto nilang gawin. Mukhang nagplano na ang mag-ate dahil kaagad na may naisagot ang mga ito sa Daddy nila.

"Swimming!" Bakas ang excitement na sabay nilang sagot.

Napangiti ako nang marinig ko ang mahinang tawa ni Harvin habang ang mga mata niya ay nakatuon sa mga anak.

Tinatanong ni Harvin kung saan nila gusto pumunta ngunit puro swimming lamang ang sagot ng mga ito, wala silang eksaktong lugar na gustong puntahan, gusto lang talaga nilang mag-swimming.

"Where do you want to go, wife?"

Napalingon ako kay Harvin na nakahiga sa tabi ko, nakatitig sa kisame ng kuwarto namin at tila nagi-isip.

"Hmm..." usal ko, nagsimula na ding mag-isip ng lugar na puwede naming puntahan. Bumaling naman sa akin si Harvin, hinihintay ang sagot ko.

Nakagat ko ang labi nang mapatitig ako sa mga mata nito kaya itinuon na lamang sa kisame ang tingin habang nagi-isip.

"Ah!" Kaagad namang nagliwanag ang mata ko at excited na muli akong bumaling kay Harvin nang may pumasok na sa isip ko, "Los Baños. Gusto ko ma-experience 'yung hotspring na tubig doon." Malaki ang ngiting turan ko.

Umangat rin ang sulok ng labi ni Harvin, mas lalo akong na-excite nang tumango-tango ito.

"Mommy, we don't have salbabida po!" usal ni Helsey, "I'll tell Daddy, Mommy!"

Bahagya naman akong natawa dahil sa namomroblemang reaksiyon ng bata.

"Nako, marami doon baby. Doon na tayo bibili."

"I want a swan, Mommy!"

"Okay!" masiglang sagot ko dito, nag-okay sign pa ako.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang patuloy ako sa paghahanda ng pagkain dahil sa batang nasa harapan ko na tila hindi nauubusan ng energy at hyper na hyper. Paniguradong knock-out ito mamaya sa byahe.

At hindi nga ako nagkamali sa prediksyon ko. Nang tuluyan na kaming nakasakay sa kotse at nagsimula ng paandarin ni Manong Joel ang kotse, wala pa kami sa kalahati ng biyahe ay naubos na ang sigla ng bata at mahimbing na nakatulog na ito sa kandungan ng Daddy niya.

"Daddy, buy po tayo ng ganu'n, Helsey wants the swan po!" turo ni Hissey sa nadaanan naming tindahan ng salbabida.

Parami na ng parami ang tindahan ng mga salbabida na nakikita namin, ibig sabihin nu'n ay nasa Los Baños na kami at malapit na kami sa private resort na nirentahan ni Harvin para sa'min.

hire as their momWhere stories live. Discover now