7

497 32 3
                                    


SEVEN




"Me! I want to put the star there please." masiglang turan ni Helsey.

Nagtatalon-talon ito habang turo-turo ang tuktok ng Christmas tree na pinagtulungan naming lagyan ng dekorasyon.

"Karga, Daddy!"

Pilit siyang nagpapabuhat sa Daddy niya para mailagay ang kulang na dekorasyon dito. Wala ng nagawa ang Daddy niya, natawa na lang sa kakulitan niya tsaka siya binuhat.

Wala ng pasok ang mga bata dahil christmas break na. Samantalang si H-Harvin ay sadyang um-absent, siguro ay para na din makipag-bonding sa mga anak niya. At para na din makapagpahinga dahil hindi inaasahang na-extend ang trabaho niya kagabi.

Ang nakagawian talaga ay ang mga kasamahan ko ang kasama ko sa pagde-decorate para sa prepasyon sa parating na pasko dito sa mansyon ngunit ginusto ng mga bata na kami, kasama ang Daddy nila na lamang ang gumawa nito kaya ganun na nga ang nangyari.

Ang mga magaamang Villaruel na ang kasama ko sa pagaayos ng christmas tree at ng sala. Ang mga kasamahan ko naman ay ibang parte ng bahay na lang ang pinagkaabalahang ayusin din.

Nakatulong naman sila Harvin sa akin lalo na si Hissey. Kahit bata pa lang ay maganda na ang taste sa pagde-design kaya may naging katulong ako sa pagdedesisyon kung ano ano dapat ang ilagay.

Ayun nga lang at hindi ako masyadong makagalaw ng maayos. Mas madalas kasi ang panonood nila sa ginagawa ko, lalo na si Harson at Harvin. Palibhasa ay mga lalaki, hindi sila mahilig na makisali sa pagdedesisyon tungkol sa ilalagay kaya nakuntento na lang sila sa panonood sa akin.

Ayos lang naman ako kay Harson p-pero sa Daddy nila, hindi ko alam ngunit mayroong kung ano sa mata niya na natataranta ako kapag nasa akin ang atensyon nito. Concious na concious din ako sa galaw ko at nagiinit ng malala ang pisngi ko.

Mabuti na lang bagama't nanginginig ng bahagya ang kamay at nagwawala ang sistema ay nakaya kong matapos ang ginagawang pagde-dekorasyon.

"Yehey!" 

Tuwang-tuwang pumalakpak si Helsey matapos ang paglalagay niya ng star sa tuktok ng Christmas Tree. Napangiti naman ako habang pinapanood ang masayang bulinggit. 

Ngunit aksidenteng dumapo ang mata ko sa gawi ni Harvin dahil kalong niya si Helsey ay hindi maiiwasang mapabaling ako dito. Hindi nakuntento ang mata ko sa simpleng tingin lang sakanya at nakuha na niya ng tuluyan ang atensyon ko.

Pinagmasdan ko ang tindig at pinanood ko ang bawat kilos siya. Kalong kalong ang anak, mayroong tipid na ngiti sa labi niya habang nakatingin din sa star na nilagay ni Helsey sa tuktok ng christmas tree.

Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sakanya kaya ganun na lang ang panlalaki ng mata ko at muntikan pa akong atakihin sa puso nang bigla siyang bumaling sa gawi kung nasaan ako at... nahuli niya akong nakatingin sakanya.

Mabilis akong umiwas ng tingin at tumikhim. Kaagad kong binaling ang mata sa christmas tree na nasa harapan namin.

Halos kapusin ako ng hininga nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi. S-Shemay, nakakahiya Van!

"Let's go Helsey, eat tayong chocolates.." rinig kong aya ni Hissey sa kapatid.

Nawala ng kaunti ang atensyon ko kay Harvin at napalingon ako sa gawi ng mga anak niya.

Nanlaki ng bahagya ang mata ni Helsey sa sinabi ng ate niya, "Let's go!" tuwang-tuwang pagpayag nito.

"Daddy, eat po kaming chocolates sa kitchen po, a." paalam ni Hissey sa Daddy.

hire as their momWhere stories live. Discover now