25

335 21 26
                                    

TWENTY-FIVE

"What was that all about, Vanessa?"

Nanlamig ako nang umalingawngaw ang malalim na boses ni Harvin sa buong silid. Tila unti-unti akong sinusukob ng bigat at halos hindi na masalubong ang titig ng mga mata ni Harvin dahil ngayon ay nababalutan ito ng dilim, kunot ang noo, habang ang mga perpektong kilay ay magkasalubong.

Nakaupo ako sa dulo ng kama habang si Harvin ay nasa harapan ko. Kanina sa hapag ay tahimik lamang ito habang kumakain kami hanggang sa ihatid namin ang mga bata sa kuwarto nila ay wala itong imik ngunit nang tuluyan na kaming makarating sa silid namin ay doon ko nasilayan ang dilim sa awra nito.

Pabulong ang bigkas ng mga salita sa matigas na ingles ngunit may diin dito dahilan upang maramdaman ko ang nginig sa kalamnan ko. Mas lalo pang nagpakabog ng dibdib ko ang pagtawag nito sa akin sa pangalan. Ngayon na lamang niya ako muling tinawag sa pangalan ko at hindi ko alam ngunit tila kutsilyo iyong tumarak sa dibdib ko.

Nahihirapang napalunok ako. Nilagay ko ang mga kamay sa kandungan at bahagyang nilaro iyon upang bahagyang makaramdam ng gaan sa loob na silid na unti-unting nilulukob ng mabigat na ihip ng hangin dahil sa galit niya.

"Pumunta dito so Lissey kanina, Harvin. N-Nagka-usap kami---"

"You let her in?" pagputol nito sa sasabihin ko. Pinapanood ko ito habang tila hindi ito mapakaling naglalakad parito't-paroon sa harapan ko, nakapameywang ang isang kamay habang ang isa ay minamasahe ang tungki ng ilong, "You even talk to that woman? Seriously, Vanessa." tila hindi makapaniwalang usal nito.

Nakagat ko ng madiin ang labi at muli na namang napalunok, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang rumagasa mula sa mga mata ko. Pinipilit kong hindi umiyak dahil baka maging dahilan pa ito upang mas lalong magalit si Harvin.

Naibaba ko ang mga mata sa kandungan, hindi ko kayang salubungin ang galit na pinapakita niya ngayon sa akin. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko, gusto ko ng tumakbo palabas ngunit alam kong hindi magandang ideya iyon.

Hindi ko alam ang dapat gawin at nanginginig ako dahil ngayon ko lamang nasaksihan ang ganitong side ni Harvin. Hindi man siya pala-salita ngunit lagi lamang kalmado ang awra nito. Kung magsalita man ay mahinahon kahit nakaka-intimidate. Sa dalawang taon kong pagta-trabaho sakanila ay hindi ko pa siya naririnig na tumaas ang boses sa amin, kahit magalit man lamang. Kapag may pagkakamali kami ay mahinahon niya kaming kinakausap upang ayusin ang problema.

Ngayon lang… ngayon ko lang nakita ang pagsabog niya ng ganito,  kahit na nakikinita na may pagtitimpi pa din dito ngunit may masabi o may mali lamang akong gawin ay tila tuluyan na itong sasabog.

"Pumunta siya dito, Harvin. Kinausap ako…"

Ngunit sa kabila ng panginginig sa takot ay sinubukan kong tapangan ang sarili at mag-angat ng tingin sakanya. Sinalubong ko ang galit nito ng isang ngiti, pilit kong pinapapagaan ang mabigat na hanging pumapalibot sa amin.

"G-Gusto niya daw bumawi sa mga bata, Harvin. Gusto niyang magpaka-ina sa mga bata. Sinserong humingi ito ng tulong sa akin para lamang makabawi sa mga bata. H-Hindi ba mabuti iyon? Iyon naman ang gusto ng mga bata, ang maramdaman ang kalinga ng ina nila." Nakagat ko ang loob ng labi at hindi ko mapigilang mapalunok nang hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ni Harvin, madilim pa din itong nakatitig sa akin, "Maganda ang intensiyon niya, Harvin k-kaya sinusubukan kong tulungan siya… para sa mga bata."

Naibaon ko ang kuko sa daliri nang matapos kong magsalita ay pagak na tumawa si Harvin, kunot ang noo nito habang umiiling, may hilaw na ngisi sa labi habang hindi makapaniwalang nakatingin sa direksiyon ko.

hire as their momWhere stories live. Discover now