5

700 42 8
                                    


FIVE



"Yehey! Where are we going? In Lola's house! In Lola's house!" pakanta na paulit-ulit na usal ni Helsey.

Tinotono niya ito gaya sa kanta ni Dora habang patalon-talon pa ang bata. Lagyan ko lang 'to ng bangs at paikliin ang buhok niya magiging magkamukha na sila.

Halatang-halata din ang excitement kay Hissey. Sa katunayan ay mas masigla pa ang dalawang magkapatid kaysa sa akin. 

Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay na din kaming naglakad palabas tutal ay hindi lang ako ang handang-handa sa pag-alis, maging sila ay bihis na bihis na din.

"Eh, kung huwag na tayong tumuloy." biglang nagaalinlangang turan ko at nagpeke pa ako ng tawa.

Naging dahilan iyon nang paghinto sa paglalakad ng maga-ama. Bahagyang napangiwi ako nang lahat sila ay napalingon sa akin.

"Why, mom?" nakangusong usal ni Hissey. Nawala ang sigla nito at lumalaglag ang balikat.

Natigil din sa pagkanta-kanta si Helsey, si Harson naman ay walang reaksyon na nakatingin lang sa akin habang si Sir Harvin ay nangungunot na ang noo.

"Mommy, I want to go to Lola's house.." si Helsey, "Why do you don't want to go na?"

Nakagat ko ang ibabang labi at binigyan sila ng alinlangang ngiti. Shemay, anong idadahilan ko?

"Ah, hehe kasi---"

"Tss, let's go."

Hindi na ako pinatapos sa pagsasalita ni Sir Harvin. Nanlaki ang mata ko at nagulantang nang kuhain niya ang kamay ko.

Hindi ko na nagawang bawiin ang kamay kong hawak niya at nagpatianod na lang sa bahagyang paggiya sa akin ni Sir Harvin palapit sa kotse. Inaalalayan pa ako nito habang papasok. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay. Pagkasakay ko ay tumabi na din sa akin si Sir Harvin at sinarado na nito ang pinto ng kotse. 

Walang nakaupo sa passenger seat. Lahat kami ay nasa backseat ng van. Pinagigitnaan ako ni Helsey at Sir Harvin habang nasa likod naman pumwesto si Hissey at Harson.

Para akong natuod sa kinauupuan. H-Hindi ako makagalaw ng maayos dahil halos nakadikit na sakin si Sir. Tila may boltahe ng kuryenteng hatid ang pagkakadikit ng braso naming dalawa. Amoy na amoy ko din ang panlalaki niyang pabango.

Vanessa, k-kalma. Pagpapaalala ko sa hindi mapakaling sarili.

Si Manong Jed ang driver at sinimulan na nga nitong paandarin ang kotse nang sumenyas na si Sir Harvin. Hindi pa din nawawala ang kaba ko, mas lalong tumitindi pa nga habang umaandar at palapit kami ng palapit sa destinasyon.

Diretso lamang ang upo ko at tatahi-tahimik lang ako pero madami ng gumugulo sa isip ko. Natataranta na din ang buong sistema ko.

Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ay hindi talaga ako mapakali. Patuloy na gumugulo sa isip ko ang posibleng magiging reaksyon ni Nanay. 

Kung kanina ay namomroblema ako na kasama ang mga bata, ngayon ay mas lalong pang tumindi ang problema ko nang sumama pa si Sir.

Dahil sa pagsama ni Sir Harvin ay malaki ang posibilidad na sasabihin na namin kay Nanay at sa mga kapatid ko ang kung anong namamagitan sa aming dalawa.

hire as their momWhere stories live. Discover now