18

411 23 16
                                    


EIGHTEEN







"San naman tayo pupunta ngayon Trix?" tuwang-tuwang mabilis na tanong ko

Narinig ko naman ang mahinang pag-tawa nito,  "Excited na excited, a?"

Nakangiting nakagat ko na lamang ang labi. Ngayon lang ako naka-punta dito kaya ganito na lamang kalala ang kuryosidad at excitement ko sa lugar.

Ito ang pangalawang araw namin sa Baguio at hindi ako nagsisi na pumayag sa pa-honeymoon kuno,  sobrang ganda dito,  malamig pa ang klima na gustong-gusto ko.

"Pupunta tayong Wright Park. Maganda doon!"

Tumango na lamang ako. Nasa loob pa lamang kami ng kotse at nasa byahe pa lamang ngunit hindi na mapakali ang puwit ko.

Hindi ko mapigilang lumingon-lingon sa labas pero pinilit kong huwag masyadong magalaw dahil ang... asawa ko sa aking balikat.

Biglang naramdaman ko ang init sa pisngi ko sa naisip... hindi ko din mapigilan ang mapangiti lalo na at amoy na amoy ko ang mabangong pabango niya.

Medyo may katagalan ang byahe. Nang makarating kami ay kaagad ko ding ginising si Harvin at lumabas na kami ng sasakyan.

Hindi ko mapigilang mamangha habang nagpapalinga-linga sa paligid. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang kamay ni Harvin na nasa baywang ko dahil nasa tanawin ang atensyon ko.

"Ito ang Pool of Pines." turan ni Trix. Tinuro niya ang pahabang pool na maraming nakapalibot na iba't-ibang klase ng magagandang bulaklak maging mga halaman.

Pinagmasdan ko lamang iyon habang ginigiya na ako ni Harvin sa paglalakad.

Napalingon naman ako sa gilid. Maraming mga naglalakihang pine trees doon. Nakakaaliw tingnan ang pagkaka-cone shape nila.

Natutuwang nanlaki ang mata ko nang makita ang mga taong Igorot. Mga naka-bahag sila, suot nila ang nakasanayan nilang damit. Ang gaganda nilang tingnan.

"Pa-picture tayo sakanila..." baling ko kay Harvin. Tipid na ngumiti ito sa akin.

"Sure..." Tumango siya.

Mas lalong nadagdagan ang tuwa ko. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at ako na mismo ang naghila sakanya papunta doon.

Naghintay muna kami saglit dahil may nagpa-picture pa sakanila at nang matapos ay kaagad na kaming lumapit.

Sinalubong ko sila ng malaking ngiti.

"Magandang araw po,  pwede po bang magpa-picture sainyo?" magiliw na paalam ko. Nginitian nila ako pabalik at tanging tango lamang ang sinagot nila.

Pumwesto kami ni Harvin sa gilid nila,  magkatabi pa rin kami. Si Trix ang kumuha ng litrato namin.

Nang matapos ay nagpasalamat ako sakanila at binigay ko na din ang bayad. May fee kasi pagpapa-picture sakanila.

Lumayo na kami sakanila at muling naglakad. Naglibot-libot lamang kami doon at nang mag-tanghali na ay doon kami nakaramdam ng pagod at maging ng gutom kaya napagpasyahan naming kumain.

"Horseback riding naman mamaya.." masiglang pagpapaalala ni Trix.

Mula sa pagkain ay naiangat ko ang tingin sakanya. Nagningning ang mata ko narinig.

Napalingon ako kay Harvin at nahihiyang napaiwas ako ng tingin nang maabutan ko itong pinapanood ang ekspresyon ko habang patuloy pa din siya sa pagkain.

"Gusto ko yan!" Baling ko muli kay Trix.

Mabilis namang natapos ang pagkain namin. Nagpahinga muna kami saglit,  nagpababa ng kinain.

hire as their momWhere stories live. Discover now