31

80 5 2
                                    

THIRTY - ONE




"Are you alright, wife? You seem quiet the whole time. Is there something bothering you?"

Natigil ako sa pag-suklay ng mahabang buhok ni Hissey at napaangat ako ng tingin dahilan upang magtama ang tingin namin ni Harvin. 

"H-Huh?" Nakagat ko ang labi ko nang mabakas ko ang paga-alala sa paraan ng pagtingin nito sa akin. 

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang hindi pala natutulog si Harvin habang nasa biyahe kami pauwi galing sa naging outing namin sa Los Baños. Akala ko ay kami lamang ni Manong Jed ang gising. 

"Wala… ayos lang ako." Nakangiting turan ko, bahagyang umiling pa ako upang makumbinsi ito kahit sa totoo lamang ay kanina pa talaga lumulutang ang isipan ko. 

Hindi ko mapigilang isipin ang tinuran ni Harvin kagabi. 

"The marriage… I badly want to make our wedding and vows real this time… I'm already smitten, Vanessa."

Lasing lang ba siya?

Matapos niya kasing sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan na siyang nakatulog. Nagpatulong na lamang ako sa staff ng hotel na tinutuluyan namin na alalayan siya hanggang sa kuwarto namin. 

Kinaumagahan din ay hindi na muling nabuksan pa ang patungkol sa sinabi niyang iyon. Normal lang ang naging umaga namin. Naghanda lamang sa pag-uwi at tinahak na namin ang byahe pauwi ng mansion. 

"Are you sure?" paninigurado nito. 

Nakagat ko ng bahagya ang ibabang labi. 

Gusto kong magtanong. 

Ngunit mas pinili ko na lamang tumango at bigyan siya ng tipid na ngiti. 

Lumipas ang halos isang linggo matapos ang araw na iyon at tuluyan na ngang hindi na nabuksan ang nangyari noong gabi. 

Hindi niya na nga ata naaalala

Hindi ko naman ginawang big deal ang tungkol doon. Normal pa din naman ang mga naging araw matapos nu'n, masaya kaming magkakasama, nagbo-bonding at hindi din nagbago ang paga-alaga at pagbibigay ni Harvin ng atensiyon sa akin. 

Tuluyan ko na lamang iwinaglit sa isipan ko ang tungkol doon. 

"Mommy! Daddy's home na!" 

Habang naga-ayos ng damit sa walk-in-closet ni Harvin, na kalaunan ay naging sa aming dalawa na ay napalingon ako kay Hissey nang masiglang pumasok ito sa kuwarto namin ng Daddy niya para sabihin sa akin ang tungkol sa pagdating nito. 

Sumunod ding pumasok si Helsey. Pareho silang may hawak na plastic ng sikat na toy store. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mukhang pinasalubungan ang mga ito ng Daddy nila kaya ganiyan na lamang sila kasaya. 

"Mommy, wait for Daddy a. We're just gonna play in the living room. May ginagawa lang siya for a moment down there." 

Natawa naman ako sa paalala ni Helsey. Tumango-tango na lang ako. 

Paglabas ng mga bata ay pinagpatuloy ko na ang pagtitiklop ng mga damit namin ni Harvin, habang hinihintay ko din ito. 

"What are you doing there?" turan ni Harvin sa mahina at malambing na boses habang hinuhubad nito ang suit na suot. 

hire as their momTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon