26

353 24 0
                                    

TWENTY-SIX



"I'm sorry, wife. I'm sorry."

Dala ng mga salitang inusal ni Harvin ay init na unti-unting tumutunaw sa bigat na ilang araw na ring namamahay sa dibdib ko.

Ang mga luhang tila matagal na naimbak ay tila agos sa dagat na patuloy ng rumaragasa sa magkabilang pisngi ko. Nakagat ko ang labi nang maging ang mga hikbi ay hindi ko na nagawa pang ikubli.

Napayuko ako at  ang nanlalabong mga mata ay naitutok ko na lamang sa mga daliri kong nasa kandungan ko habang dama ko ang masuyo niyang pagdampi ng halik sa balikat ko.

Lumipas ang ilang minutong nasa bisig niya lamang ako ngunit hindi din nagtagal ay lumuwang ang kapit nito sa baywang ko, marahan akong iniangat at pinaupo sa malambot na kama.

Mas lalong dumiin ang kagat ko sa aking labi nang maramdaman ko ang pagluhod nito sa harapan ko, pinagpapantay ang tingin namin dahilan upang masilayan niya ang mga luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata ko.

Nakita ko ang bahagyang pag-alon ng lalamunan nito, "Damn, wife…" nahihirapang usal niya, bahagyang namamaos ang boses.

Ganu'n na lamang ang pagbilis ng kabog sa dibdib ko nang sinimulang pawiin ng magaspang na kamay ni Harvin ang mga luha sa pisngi ko.

"Hush now, wife… you're breaking my damn heart…" turan niya, ang baritanong boses ay pilit akong pinapatahan.

Mas lalo ko lamang nakagat ang labi nang dahil doon. Hindi ko magawang ibuka ang bibig at umusal ng kahit isang bigkas lamang ng salita dahil pakiramdam ko'y sa oras na magsalita ako ay tuluyang mababasag ang boses ko.

Binaba ni Harvin ang mga kamay at kinuha ang kamay ko na nasa kandungan ko at sinimulan niyang patakan ng magaang halik ang likod ng aking palad.

"I'm sorry if I became hard on you, wife. I… I didn't mean to vent out my frustration and anger towards you. It just that I'm too caught up by the emotion that time that's why I able to utter words I swear I didn't mean.." simulang pagpapaliwanag niya.

Nakaangat ang tingin sa akin, ang kamay ko'y pinatong niya sa kaniyang pisngi habang ang mga mata ay sinserong nakatitig sa mga mata ko, nilulunod ako sa pamamagitan ng titig niya.

Hindi na ito pumupukol ng malamig na titig… h-hindi na katulad nang huli naming pagu-usap. Bumalik na ang lamyos mula sa mga mata nito dahilan upang muling rumagasa ang sariwang mga luha mula sa mga mata ko.

"I'm not mad at you. I didn't become mad at you, wife. It's not you, it's just my emotion that triggered me to lose my fucking wits that night." pagpapanatag niya sa kalooban ko. Muli ay nahihirapan siyang lumunok at dinampian ng halik ang likod ng palad ko, "Masyado lang mabigat pa ang nararamdaman ko at malalim ang galit ko para maging handang pag-usapan ng kalmado ang tungkol doon."

Humaplos ang magaang init sa puso ko nang wala ng pagkukubli sa kaniyang emosiyong inamin nito ang tunay na nararamdaman sa akin.

Tumatango-tango ako habang sinserong nakatitig kay Harvin at hinahaplos ang kamay nitong nakahawak sa akin upang iparating sakanyang naiintindihan ko siya.

Naiintindihan ko. Lubos lamang akong nasiyahan sa isiping maliligayahan ang mga bata sa muling pagbabalik ng kanilang ina kaya nawaglit sa isip ko ang pait na naranasan at sakit na naramdaman hindi lamang ng mga bata maging ni Harvin, sa Daddy nila dulot ng biglaang paglisan ng tinuturing nilang ilaw ng kanilang tahanan.

Masyado akong nabulag sa kasiyahan kaya masyado akong nagpadalos-dalos at hindi sinasadyang matapakan ang sugat na mayroon sa puso ni Harvin.

"I want to be honest with you, wife. I'm not ready yet to talk about that…" usal niya, "Give me time first. We'll talk about that, with the kids once I'm finally cool disclosing that matter. Alright?" turan niya at dinampian muli ng masuyong halik ang kamay ko.

hire as their momWhere stories live. Discover now