13

460 30 16
                                    


THIRTEEN




"Hmm, good morning!" masiglang usal ko habang naguunat.

Mabilis akong tumayo sa kama ko at inayos ito. Pagakatapos kong ayusin ang hinigaan ay nagayos na din ako ng sarili.

"Ayan, maganda ka na Van..." pambobola ko pa sa sarili sa harap ng salamin. Napailing na lang ako at natawa.

Nang makuntento ako sa itsura ay mabilis na din akong bumaba para maumpisahan na din ang araw.

"Good morning, Manang." masiglang bati ko nang makasalubong ko itong paakyat ng hagdan.

"Magandang umaga din sayo, Van. Mukha atang maganda ang gising mo ngayon a." biglang puna niya sa akin.

"Ah, hehe, hindi naman manang. Nakatulog lang talaga ng maaga kagabi kaya maraming energy."

Bahagyang natawa naman si Manang sa sinabi ko, "Sige, akyat muna ako." paalam niya.

Tinanguan ko lang si Manang pagkatapos ay nagdire-diretso na ako sa pagbaba.

Una kong tinungo ang dining area. Natigilan ako nang maabutan ko na nandoon na si Harvin kasama ang mga bata.

Gising na si Hissey at maging si Helsey na tinatanghali madalas ng gising ay nandito na din.

Nakagat ko ang labi. Masyado bang napasarap ang tulog ko at mas nauna silang magising sa'kin?

"Good morning." bungad na bati ko sakanila.

"Hey, mom." bati sa akin ni Harson. Nakangiting tinanguan ko naman siya.

Nadatnan kong abala silang maga-ama sa pagkain ng almusal. Lumapit ako sa kay Hissey at Helsey para halikan sila sa pisngi. Bahagyang dinantay ko naman ang kamay ko sa ulo ni Harson.

"Morning." Napalingon ako kay Harvin nang bumati ito.

"Morning, too." bati ko pabalik.

Tumayo siya. Kaagad akong pinaghila ng upuan sa tabi niya. Hindi na naman ako tumanggi at umupo na din.

"Thank you." turan ko nang makaupo.

"My pleasure." nakangiting turan niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero... parang nakita ko siyang kumindat.

Baka guni-guni ko nga lang. Psh, ba't naman kikindat sa akin si H-Harvin?

Umupo na siya sa tabi ko. Hindi na ako nakaangal nang siya na mismo ang mag-sandok ng pagkain para sa akin.

"Eat." aya niya.

"Thank you," tanging usal ko na lang. Tama lang naman ang pagkain na nilagay niya sa plato ko kaya hindi na din ako umangal pa.

Habang kumain ay nagawi ang mata ako suot niya ngayon. Napuna ko kasing naka-shorts lang siya na pambahay at black na shirt.

"Bakit hindi ka nakasuot ng pampasok ngayon?" nagtatakang tanong ko.

"I'm not working today."

Napa-ow ako ngunit nagkibit-balikat na lang at tumango. Binalik ko na ang atensyon sa pagkain.

hire as their momWhere stories live. Discover now