29

215 20 1
                                    

TWENTY-NINE



Nagtama ang mga mata at kapwa kami natigilan ni Lissey. Naramdaman ko ang mas lalo pang paghigpit ng yakap ni Helsey sa baywang ko. 

Nang bumaba muli ang mga mata ni Lissey sa anak niyang nakayakap sa akin ay bumaba rin ang tingin ko dito. 

Gusto ko sanang umupo sa harapan ni Helsey ngunit dahil sa umbok ng tiyan ko ay nahihirapan ako kaya marahang ko na lamang inangat ang mukha ng bata na nakasubsob sa tiyan ko upang magpantay ang tingin namin. 

Nakanguso ito. Tila wala sa mood at tinotopak. 

Binigyan ko ito ng tipid na ngiti habang marahang hinahaplos ang pisngi niya, "Baby, hindi na sasama si Mommy Van, kasama niyo naman si Mommy Lissey. 'Di ba ngayon 'yung bonding niyo nila kuya at ate mo kasama si Mommy Lissey niyo?" Bahagyang tumingin ako sa gawi ni Lissey na pinapanood lamang ang ginagawa kong pagkausap kay Helsey, "Sa susunod ay tayo naman ang magbo-bonding kasama ang Daddy Harvin niyo, okay ba 'yun?" subok kong kumbinsi dito. 

Ngunit imbis na pumayag ay mas lalo lamang itong ngumuso, muling isinubsob ang mukha sa tiyan ko at umiling-iling. 

"Ayaw. Gusto sama ka, Mommy." nagmamaktok na usal nito. 

Nakagat ko ang labi. Nagiisip ako nang maaari ko pang gawin upang makumbinsi si Helsey ngunit napabaling ako kay Lissey nang marinig ko ang tunog ng takong nito, nagsisimula na itong maglakad palapit sa amin ni Helsey. 

"Baby, don't you want to be with Mommy Lissey?" bahagyang ngumuso si Lissey, nagpapaawa ang boses upang subukang kumbinsihin ang anak, "I'll buy you clothes, toys and anything you want, baby. Everything. Just come with Mommy, hmm..."

Marahang hinila ni Lissey ang braso ni Helsey, sinusubukan nitong ayain na sumama sakaniya ang anak ngunit hindi pa man tuluyang naaalis ang pagkakayakap sa akin ng braso ni Helsey ay kaagad niya na itong binawi sa Mommy niya at mabilis na muling iniyakap ng mahigpit sa akin. 

"Helsey…" marahang usal ko sa pangalan nito nang makita ko ang gulat sa mukha ni Lissey sa bahagyang pag-alis ni Helsey sa braso nito mula sa pagkakahawak niya. 

"I don't want po, gusto ko po kasama si Mommy Van." nakangusong turan ni Helsey habang ang ulo ay nakadantay sa tiyan ko. 

Sa huli ay wala na kaming nagawa at napagdesisyunan na lamang ni Lissey na hayaan ng isama ako para lamang mapasama din si Helsey. 

"Are you gonna be okay?" nag-aalalang tanong ni Harvin sa kabilang linya, ipinaalam ko na din kasi dito na sasama ako sa lakad ng mga bata kasama si Lissey. 

"Oo, kaya ko naman. Ayaw talagang sumama ni Helsey nang hindi ako kasama." Napatingin ako sa gawi ni Helsey na nakaupo sa kama namin ni Harvin, hinihintay ako. Upang makasiguro itong kasama ako ay maging sa pagbibihis ko sa kuwarto ay sumama ito sa'kin. 

"Can you have Marisse with you so someone can assist you? Ako na lamang ang susundo sainyo ng mga bata mamaya." 

Marami pang paaalala si Harvin. Nagpa-plano pa nga itong iwanan ang trabaho at samahan kami kaya sinigurado ko kaagad dito na isasama ko si Marisse upang hindi na ito mag-alala pa. 

"Nahihiya ako kay Lissey, Harvin, oras niya ito para sa mga tapos kasama ako…" Hindi ko mapigilang usal ng pagaala ko rito. 

hire as their momWhere stories live. Discover now