Prologue

1.2K 50 16
                                    

PROLOGUE




Paglilinis. Normal na sa akin ang ganitong gawain kada araw. Bilang kasambahay ay ako ang responsable sa pagpapanatili na maayos ang bahay ng amo ko.

Kagaya ng lagi kong ginagawa ay matiwasay akong naglilinis sa buong sala ng mansyon na pinagta-trabahuan ko.

Wala namang espesyal sa araw na ito, maglilinis lang naman ako.

Walang kailangang ikatuwa ng masyado at ikabahala. Hindi din nakakapagod, sakto lang. Hindi naman nakakapagod ang paglilinis.

"Yaya!"

Bigla akong natigil sa pagwawalis nang sa kalagitnaan ng pagmumuni ko ay may tumawag sa akin. Ang boses na iyon ay galing kay Helsey, ang inaalagaan ko. Bukod kasi sa paglilinis ay naturingan din akong babysitter.

Kasabay ng paglapit sa bata na nakaupo sa sofa ay pinunasan ko na din ang pawis ko at mga kamay.

Ang cute tingnan ng anak ng amo ko habang maayos itong nakaupo, ang mga paa ay magkadikit at ang mga kamay ay nakapatong lang sa ibabaw ng kandungan niya habang gamit ang mga inosenteng mata ay pinapanood niya ang ginagawa kong paglapit.

"Bakit, baby Helsey?" malambing na tanong ko dito nang tuluyan na akong makalapit.

Hindi ito nagsalita ngunit ang mga inosenteng mata ng bata ay hindi inaalis ang titig sa akin. Nangunot naman ang noo ko.

"May kailangan ka ba, baby? May problema ba?" tanong ko sakanya. Bahagyang napangiwi ako nang umiling lamang ito salungat sa ekspresyon niya, parang may gusto talaga siyang sabihin.

Dahil ayaw niyang magsalita ay saglit na nakipagtitigan na lang ako sakanya. Ang taba-taba ng pisngi ng batang ito, nako. Ang mga mata niya pa ay parang kumikislap-kislap habang nakatingin sa akin. Gusto ko siyang panggigilan ngunit pinipigilan ko ang sarili. Baka malamog ko, mahirap na.

"Yaya, I want you to be my mommy."

Bigla akong napakurap-kurap at napako sa kinatatayuan. Nawala ang nararamdaman kong panggigigil sa pisngi niya at napalitan ng gulantang ang ekspresyon ko.

A-Ano daw? Nabibingi b-ba ko?

May p-problema ba ko sa tainga? Nagkamali ba ko ng dinig?

Anong sabi ng batang nasa harap ko?

Gusto niya... gusto niya kong maging... mommy? As in,

Mother?

Ina?

Nanay?

Hindi makapaniwalang tumitig ako sa mga malamlam niyang mata, "Huh?" wala sa sariling usal ko.

Ngumuso ito ng bahagya at pinagdaop ang dalawang kamay, "Please..."  nag-puppy eyes  pa ito sa harap ko.

Natulala ako ng ilang segundo at nang tuluyang nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya, napakamot ako sa ulo at namo-mroblemang tumingin sakanya.

"Baby Helsey naman, eh. Pinagti-tripan mo na naman ako. Hala! Matulog ka na. Gabi na puyat ka ng puyat 'di ka na  lalaki niyan." nakangiwing turan ko, "Kung ano-ano na ding pinagsasabi mo."  pahabol na bulong ko.

Plano kong huwag ng seryosohin ang pinagsasabi ng alaga ko, baka nga inaantok lang ito. Baka kung ano ano lang ang sinasabi niya at hindi niya pa gaano itong naiintindihan. Hinawakan ko na siya at akmang igigiya na sa kwarto pero nagpapabigat ito sa akin.

"Ihh! Yaya, I'm  not yet sleepy." pagmamaktol niya, "I want you to be my mommy..... pretty please." paguulit niya.

Napakagat ako ng labi habang namomroblemang nakatitig sa batang bigla-bigla na lang gusto akong maging nanay na parang sa isang iglap ay pwede na iyon.

hire as their momWhere stories live. Discover now