6

690 44 9
                                    

SIX



Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto kong napatigil na naman ako sa gitna ng gawain ko. Hindi ko talaga mapigilan ang mawala sa sarili at mawala sa isipan ang ginagawa tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari kahapon.

Tandang-tanda ko pa kung paano ako magulantang at ma-estatwa sa kinatatayuan dahil sa biglaang alok ni H-Harvin ng... date. Natuptop ko ang labi, hindi ko alam kung ano ang isasagot at.... paano ko sasagutin ang tanong niya.

Ngayon lang talaga may nag-alok sa akin ng ganito na k-kinakabahan ako.... dati naman ay m-madali lang sa aking tumanggi.

Ngayon lang din ako papayag sa p-pakikipag-date kung sakali kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya ang sagot ko.

Matiyagang naghintay naman si Harvin. Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin pero hindi niya na narinig ang sagot ko dahil nawala ang atensyon namin sa isa't-isa nang biglang lumabas ang kapatid kong si Valerie mula sa kwarto ni Vince. Naabutan kami nito sa labas at niyaya na kaming pumasok. Agad naman kaming sumunod sakanya dahil gusto ko na ding makita ang bunso kong kapatid.

Nadatnan ko si Vince na nakahiga lang sa kama at nagpapahinga. Mukhang maayos naman siya nang kamustahin ko ngunit kahit ganoon ay pinaulanan ko pa din siya ng mga paalala.

Bukod sa pagbisita kay Vince ay nagtagal pa kami sa bahay para makipagusap at makipagkamustahan din kila Nanay kaya nagtagal din kami, nakahinga ako ng maluwag dahil talagang wala akong nakikitang pagdududa sa pamilya ko. Mukhang ayos lang sila sa relasyon namin ni... Harvin.

Ngunit sa buong araw na iyon ay hindi na nabuksan pa ang usapan tungkol sa alok ni H-Harvin na date.

Kaya ngayon ay iniisip ko pa din kung matutuloy pa ba iyon. Hindi sa... g-gustong gusto ko. Gusto ko lang malaman k-kung seryoso ba na itutuloy namin iyon ngayon o baka nawala na iyon ng tuluyan sa isip niya.

"Uy, Vanessa bakit tulala ka diyan?"

Muntik na kong mapatalon sa gulat nang biglang may magsalita. Nang makita kong si Marisse iyon ay kaagad ko ng inayos ang sarili. 

"Ha? Ah, wala. Sige maglilinis na ako..." natataranta at halos wala sa sarili kong sagot.

Napatikhim ako at muli ng pinagpatuloy ang paglilinis sa sala.

Shemay! Hindi ko namalayan na wala na akong natatapos na gawain dahil sa pagtulala ko.

"Teka teka." 

Akmang itutuon ko na ang atensyon sa paglilinis ngunit natigilan ako nang hatakin ako ni Marisse.

"Bakit, Marisse? Maglilinis pa a-ako." maang na tanong ko, nasa tono ko ang pagmamadali. Naningkit naman ang mata nito at tila sinusuri ako, "Uy, b-ba't ganiyan ka matingin?" naiilang na puna ko.

Binitiwan niya ako ngunit humalukipkip siya sa harapan ko, hindi pa din inaalis ang mapanuring tingin sa akin.

"Anong problema mo, babae?"

Nanlaki ng bahagya ang mata ko at napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya, "Ha? A-Anong problema? Wala a!" depensa ko.

"Nako nako, wala kang maloloko dito, Vanessa. Anong ba kasing problema mo? Wala ka sa sarili, eh." pagpupumilit niya pa rin.

"W-Wala nga.." muli kong tanggi. Nakagat ko pa ang dila.

"Ano nga kasi?"

Patuloy lang ako sa pagtanggi at patuloy din siya sa pagpupimilit na may problema akong dapat sabihin... ayokong sabihin dahil hindi ko naman alam kung problema ba ito o k-kaartehan ko lang.

hire as their momWhere stories live. Discover now