24

518 26 14
                                    

TWENTY-FOUR




"Lissey…"

Wala sa sariling nausal ko ang pangalan ng babaeng kabababa lamang ng kotse at ngayon ay nakatayo na ito sa harapan ko, hindi pa din ako nakakabawi sa pagkagulat dahil ko inaasahan ang biglaang pagdating niya. Katulad ng una niyang pagpunta ay wala ito ni pasabi at biglaan na naman ang naging pagsulpot nito sa mansiyon ng mga Villaruel.

Umangat ang mapula nitong labi, sinuklian ng matamis na ngiti ang pagkagulat ko, "Hi… You're Vanessa, right?" turan nito, "I guess you already know me but I want to formally introduce myself. I'm Lissey and it's nice too meet you."

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Hindi ko namalayan na napatagal ang pagtitig ko doon, natauhan lamang ako nang bahagyang igalaw ni Lissey ang kamay niya. Nakagat ko ang labi at pinunas ko sa likod ko ang palad, dahil baka namamasa pa iyon bago ko tinanggap ang kamay niya.

Ako na din ang unang bumitiw. Inayos ko ang pagkakatayo ko at nag-angat sakanya ng tingin, "Ah, pasensya na hindi mo naabutan, kakaalis lamang ng mag-aama. Pumasok sa paaralan ang dalawang bata, at dumiretso na ng trabaho si Harvin, si Helsey lang ang nandito pero natutulog pa ang bata." turan ko dahil malinaw naman na ang mga ito ang pakay niya sa pagpunta.

"Oh, that's alright. I'm not missing something. Actually, I guess I arrive at the right time." usal niya, hindi pa din nawawala ang matamis na ngiti sa labi. Ang mga mata niya ay lumampas sa akin at dumako ito sa mansiyon ng mga Villaruel ngunit hindi din naman nagtagal ay muli niyang itong ibinalik sa akin, "Actually, you're the reason I'm here, Vanessa."

"H-Ha?"

Unti-unting nangunot ang noo ko, nagsisimulang maguluhan dahil sa inusal nito. Dumagdag pa doon ang biglang pagbilis ng kabog sa dibdib ko at wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko nang marinig mula sa kanya, mula sa tunay na ina ng mga tinuturing kong totoong anak na ako at hindi ang Daddy nila, si Harvin, o ni hindi sila ang pakay nito.

"I want to talk to you about something."

Nakagat ko ang labi kasabay ng pagangat ng sulok nito at bumakas ang alinlangang ngiti dito.

Ano naman ang paguusapan namin?

"Can I have a talk with you, Vanessa?" tanong nito, "Don't worry, I won't take too much of your time. I just need to talk about something with you."

"Tungkol saan?" Napalunok ako.

Ngumiti ito sa akin. Bahagyang hinawi ang takas na buhok upang mapirmi ang mga ito sa likuran. Doon ko lamang napagtanto na matagal na kaming nakatayo dito sa harapan ng mansiyon nang bahagyang nagpaypay ito ng sarili. Nakagat ko ang labi, hindi ko namalayang medyo maaraw na pala sa parte kung nasaan kami.

"Gusto mong pumasok?" aya ko dito, "Doon na lang natin pagusapan ang kung anumang nais mong pagusapan natin."

Natigil ito sa pagpaypay ng sarili at kinapit ang kamay sa bag na nasa balikat niya, "Oh, I think that's a better idea."

Nanguna na ako sa pagpasok sa loob ng mansiyon. Bakas sa mukha ng mga kasamahan kong kasambahay maging ni Manang ang pagkagulat nang makita nila na nasa likuran ko si Lissey, naglalakad kasama ako papasok sa mansiyon.

Bakas ang pagtatanong sa mga mata ng mga ito ngunit nanatiling tikom ang mga bibig nito. Bagama't katulad ko ay tila gulat din ang mga ito sa biglaang pagdating ni Lissey, normal na pinakitunguhan pa nila ito. Nang marating namin ang sala ay kaagad naglapag ng tsaa si Alliyah para kay Lissey at isang baso ng juice para sa akin.

Binati pa ni Lissey si Manang na kasuwal lang ding nakipag-usap sakanya, sinasagot naman nito ang mga katanungan ni Lissey ngunit kaagad na din itong umalis, nagpaalam na iiwan na kami dahil marami pa daw siyang kailangang gawin.

hire as their momWhere stories live. Discover now