20

441 25 13
                                    

TWENTY




Matapos kong magsuka ay tuluyan ng naging masama ang pakiramdam ko. Ang gusto ni Harvin ay sa bahay na lamang kami para makapag-pahinga ako pero hindi man magsalita ang mga bata ay bakas ang lungkot sakanila.

Gusto talaga nilang mag-date kami ni Harvin at nang malaman nila na hindi matutuloy ay parang mas malungkot pa sila kaysa sa akin.

Hindi ko naman maatim na masama ang loob ng mga bata kaya pinilit ko na din si Harvin na umalis kami. Kaya ko naman.

Napadpad  kami ni Harvin sa restaurant na buffet style. Nakikita ko lang ito sa facebook at sinubukan kong i-request kay Harvin na dito na lang kami,  pumayag naman siya.

Bigla akong nag-crave sa mga pagkain sa restaurant na ito kaya napagpasyahan kong dito na lang ayain sa Harvin. Nang makita ko din ang madaming pagkain ay tila nawala ang sakit ko.

"Kaya mo 'yan?" kunot ang noong tanong ni Harvin nang makita niyang mas marami pa ang pagkain sa plato ko kaysa sakanya.

"Oo naman!" kumpyansang sabi ko. Kumuha na ako ng gawa sa plastic na gloves at nilagay na iyon sa kamay ko para makapag-kamay ako habang kumakain, "Magkamay ka din..."

Napangiti naman ako nang tanggalin niya ang kamay sa kutsara at ginaya ang ginagawa ko.

Nagsimula na kaming kumain. Parang sobrang ginugutom ako ngayon na nakaya kong lantakan ang sobrang daming pagkain sa plato ko. Nangangalahati na nga ako.

Bahagyang inangat ko ang tingin kay Harvin. Natawa  ako nang makita kong pinapanood nito akong kumakain habang nangungunot pa din ang noo.

"Ang siba ko ba?" nakangisi kong tanong.

Tumaas ang kilay niya sa akin, "Siba?" 

Nakagat ko ang ibabang labi nang mapagtantong hindi niya alam ang ibig sabihin ng siba. Muntik ko ng makalimutan,  englishero pala itong kasama ko,  hindi siya masyadong bihasa sa tagalog lalo na ang mga medyo hindi pamilyar na salita.

"Siba... it means matakaw." Tumango naman siya. Hindi ko alam kung tumango siya dahil nalaman niya ang kahulugan ng siba o dahil natatakawan talaga siya sakin.

Sa huli,  busog na si Harvin pero ako ay pabalik-balik pa din sa buffet area. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako mabusog-busog at parang ang daming space sa tiyan ko. Pero okay lang kasi nae-enjoy naman ako tsaka pinapayagan naman ako ni Harvin.

Nang magsawa na ako at tuluyang mabusog,  dumiresto naman kami sa mall. Masyado pa kasing maaga at gusto ko ding bilhan ng kung anong regalo ang mga kaibigan at mga bata pati na din sila Nanay.

Gusto ko din sanang bilhan si Harvin kaso... kasama ko siya. Siguro bukas na lang ako magre-regalo.

Nang matapos sa pamimili ay nilagay muna ni Harvin iyon sa kotse habang ako ay naghintay lamang sa loob ng mall. May nakita ako sa hindi kalayuan na tindahan ng mga relo.

Napangisi ako nang may maisip. Bahagya muna akong luminga-linga at nang hindi makita si Harvin ay lumapit na ako doon.

Binilisan ko lang ang pagbili kay Ate,  mumurahin lamang iyon kumpara sa kayang niyang bilhin pero... sana magustuhan niya.

Sakto namang pagbalik ko sa pwesto ko kanina ay nandoon na siya.

"Where did you go?" bungad na tanong niya sa akin.

"Ah,  wala may tiningnan lang..."

Naglibot-libot lang kami ni Harvin sa loob ng mall at nanood pa kami ng action movie sa sinehan.

hire as their momTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon