21

430 32 1
                                    

TWENTY-ONE





"Harvin..."

Lumingon naman sa akin ito. Pababa kami ngayon ng hagdan. Nakasuot na siya ng corporate attire at paalis na. Simula ng maging mag-asawa na kami,  nakasanayan ko ng ihatid siya lagi palabas ng bahay at isa ito sa araw na iyon.

"Why? Do you have any problem,  wife?" tanong niya sa akin. Kaagad naman akong umiling.

"Magpapaalam lang ako..." Tumaas ng bahagya ang kilay niya sa akin,  pinapatuloy ako sa pagsasalita,  "May pupuntahan lang ako. Saglit lang."

"Where?"

"Ah,  basta saglit lang ako... may aasikasuhin lang."

Akala ko ay magtatanong pa siya pero mabuti naman at tumango lamang si Harvin. Nang matapat na kami sa kotse niya, bahagyang nilapit niya ako sakanya at hinalikan ako sa noo. Napakagat ako ng labi sa ginawa,  lagi niya naman itong ginagawa pero hindi pa rin pumapalya ang pagkagulat ko... kumakabog ng mabilis ang puso ko.

"I-Ingat ka..." mahinang usal ko.

"You too,  take care of yourself.."

Matapos ng paalaman namin ay muli na akong naglakad papasok ng bahay. Sinubukan kong hanapin si Alliyah o kaya si Marisse na lang. Magpapasama sana ako sa pupuntahan ko.

Magpapatuloy sana ako sa paghahanap pero kaagad nahagip ng mata ko si Lisa.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung galit siya sa akin o kung anong nagawa ko... basta ilang linggo na ata ang nakakalipas parang... parang mukhang ilap na siya sa akin.

Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali... pero sa pagkakaalam ko ay wala.

Bununtong-hininga muna ako bago sinubukang lumapit sakanya. Gusto kong tingnan kung ngayon ay papansinin niya na ako.

Kasalukuyan niyang inaayos ang bandang tv,  naramdaman ata nito ang presensya ko kaya unti-unti itong napalingon sa gawi ko. Kaagad niya ding iniwas ang tingin,  hindi niya ako pinansin. Ganunpaman,  pinagpatuloy ko pa din ang paglapit.

"Ah,  Lisa..."

Kaagad kong nakuha ang atensyon niya at lumingon siya sa akin,  "Van, bakit?" Nakahinga ako ng maluwag nang pinansin niya ako.

Baka... baka guni-guni o masyado lang akong nagiisip ng kung ano-ano. Sa laki ng mansyon ay talagang hindi kami laging magkikita at magpapansinan ni Lisa lalo na't humiwalay na din ako ng kwarto sakanila dahil na kay Harvin na ako.

"Pwede mo ba akong samahan?"

Tutal ay hindi ko nakikita si Marisse at Alliyah,  hindi naman din galit sa akin si Lisa. Siya na lang ang isasama ko.

Pinaliwanag ko naman kay Lisa kung saan kami pupunta. Bahagyang nagulat siya sa sinabi ko pero pumayag din naman siyang sumama.

"Bakit mo naisipang pumunta dito?" tanong ni Lisa nang nasa pasilyo na kami ng ospital.

Sa totoo lang ay ayaw ko ng pumunta dito,  hindi ko alam pero kinakabahan din ako pero kasi... nag-search na din ako sa nangyayari sa akin at lahat ng posibilidad ay nararamdaman ko kaya... gusto ko lang ng kompirmasyon.

"Hindi ka ba nag-pregnancy test?" muli niyang tanong.

Umiling ako, "Gusto kong direktang kumpirmasyon na."

Hindi ko na din mabilang ang araw na lagi akong nagsusuka at laging sumasama ang pakiramdam ko. Alam kong napapansin iyon ni Harvin.

Nagiging mapili din ako sa pagkain na hindi naman normal sa akin dahil kahit ano naman ay kinakain ko... mas weird kasi meron sa mga paboritong pagkain ko na dati pa pero inaayawan ko na ngayon.

hire as their momWhere stories live. Discover now