Chapter 1

1.6K 52 4
                                    

=Heilly Pov=

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako. Ayoko namang ma late kaya ginawa ko na ang morning routine ko. May 30 minutes na lang ako bago mag simula ang klase kaya pag katapos kong mag mag breakfast ay lumabas na ako ng bahay saka sumakay sa sasakyan ko saka ito minaneho.

Matapos kong ma park ang sasakyan ko ay pumasok na ako sa loob ng school. Ang parking lot ay nasa labas ng school. Pag pasok ko sa loob ay as usual ang dami nanamang nakatingin sa'kin.

May mga studyante pang palihim akong kinukuhaan ng picture na hindi ko na lang pinapansin. Hindi ko rin sila masisisi dahil isa ako sa sikat na young actress sa sa kasalukuyan at mas nakikilala pa ako sa ibat-ibang mundo kaya hindi ko sila masisisi kung humahanga sila sa'kin.

Pero kahit na anong ganda ng feedback ng iba sa'kin ay hindi parin talaga mawawala ang mga basher. Katulad na lang ng grupong kaharapan ko ngayon.

Ang grupo nila Katty Semon-- ang tinaguriang queen bee ng school na 'to.

"Well, well, well, nandito na pala ang babaeng mang-aagaw." Nakangiseng sabi nito.

Palihim na lang akong napairap dahil sa sinabi niya. Sa tuwing makakasalamuha ko siya ay palagi niyag mukhang bibig ay MANG-AAGAW.

"Ano, hindi kaman lang ba mag sasalita?" Mataray na sabi ng kasama niya. Kung hindi ako nagkakamali siya si Betty.

"Siguro natakot na kaya ayan, hindi na kapag salita." Natatawang sabi naman ng isa. Hindi ko siya kilala, yun ang totoo.

Nginisihan ko siya kaya napaatras siya.Tsk. ngisi palang ginawa ko napaatras na siya, paano pa kaya kapag umamba na ako ng suntok?

Tinignan ko ang relong suot ko at 10 minutes na lang pala at mag sisimula na ang klase. Hindi ko na sila pinansin at nag pasiya akong talikuran sila.

Pero hindi pa man ako nakakahakbang ng bigla akong hawakan ni Katty sa braso at marahas na pinaharap ako sa kaniya.

Pero gano'n na lang ang pag singhap ng mga nanood ng bigla akong sampalin ni Katty Semon sa kanang pisnge ko. Dahil do'n ay tumagilid ang mukha ko.

"𝘖.𝘔.𝘎!"

"𝘎𝘰𝘴𝘩! 𝘏𝘰𝘸 𝘥𝘢𝘳𝘦 𝘬𝘢𝘵𝘵𝘺 𝘵𝘰 𝘥𝘰 𝘵𝘩𝘢𝘵?!"

"𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘪 𝘏𝘦𝘪𝘭𝘭𝘺."

"𝘉𝘳𝘶𝘩𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘒𝘢𝘵𝘵𝘺 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯."

"Shut up!" Sigaw ni katty sa mga studyanteng nag bubulungan, nag bubulungan nga ba? Psh.

"Mga tsismosa kayo! Umalis nga kayo dito!" Dali-dali namang nagsi alisan ang mga studyanteng sinigawan niya.

Nakaharap na ako ngayon kay Katty at bagot siyang tinigan. Tragis na babae ito, kung wala lang talaga akong reputasyon na inaalagan ay talagang pupulbusin kitang baliw ka.

Nakangiseng tinignan niya ako."Masakit ba?"

"Try natin sa'yo gusto mo?" Sarkistong tugon ko.

"Hah! At talagang sumasagot ka pa?!"

"May bibig ako kaya mag sasalita ako kung kailan gusto ko."

"Matigas ka talagang mang-aagaw ka!"

Sasampalin niya sana muli ako ng biglang may sumigaw mula sa likod ko.

"KATTY!!!!!!"

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now