Chapter 38

387 13 0
                                    

=Ella POV=

Mabilis ang naging pag kilos namin nila Amanda. Matapos ang pag papalit ng damit ay wala kaming sinayang na oras at sabay kaming nag teleport nila Drea at Amanda sa palasyo nila Heilly.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang nangyari sa palasyo nila Heilly.

Ang maayos nitong pagkakatayo, ngayon ay sira-sira.

"Oh my gosh."--- na usal ko na lang.

Kalahati, ang kalahating bahagi ng palasyo ay sira na! At mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita namin ang mga bad vampires at ang mga kawal nila Heilly na nag lalaban.

Ililihis ko sana ang paningin ko ng bigla itong mapako sa isang babaeng naka suot ng gown habang nakikipaglaban.

Wait...

Gown?....

"ANG REYNA!!!!" --- Sabay-sabay na sigaw namin nila  Amanda at Drea.

Na akala mo ay nag usap at iisa ang ang nasa isip.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nakisali narin ako sa labanan na gaganap.

Hindi ko inaasan ito. Ang daming kalaban kesa noon na bilang lang sa mga daliri ko.

Talagang balak na niyang sakupin ang palasyo nila Heilly.

"Mahal na reyna, ayos pa po ba kayo?"--- nag-aalalang tanong ko habang nakikipag palitan ng suntok sa kalaban ko.

"Ang totoo niyan, pagod na ako! Ang dami nila! At kanina pa ako nakikipag laban sa kanila! Wahhhhhh! I hate them!!"--- Pag mamakatol nito.

Gustuhin ko mang matawa dahil sa pagmamaktol niya ay hindi ko na tinuloy.

Dahil wala ako sa lugar para tumawa lalo na't nakapasok na ang mga kalaban sa loob ng palasyo.

At halatang marami ng napatay sa mga kawal ng Reyna.

Tsk. Mga duwag!

"Mahal na Reyna, umalis na po kayo. Kaya na po namin ito."---- Sabi ni Amanda na sinang-ayunan ko agad.

Tipid na ngumiti ang Reyna saka umiling.

"Yeah, pagod na ako. Pero hindi ako aalis dito ng hindi napapatay si Draco!"

"Per---"

"Don't mind me Ella, kaya ko pa."

Napabuntong hininga na lang ako dahil wala rin naman akong chance na manalo sa Reyna.

"Okay Po Mahal na Reyna. Ipangako niyo lang po sa'min na magiging maayos kayo."--- Ani Amanda.

Tumango naman si Reyna Helena. Nagkatinginan kami ni Amanda saka sabay na umalis sa tabi ng Reyna at nakipag laban sa mga kalaban.

Ang sabi ng Reyna, kanina pa siya nakikipaglaban. Eh bakit hanggang ngayon ay marami parin ang kalaban?

Para silang nabubuhay matapos mamatay!

Sa gitna ng pakikipaglaban ko ay naramdaman ko na ang presensiya nila.

Buti naman at nakarating na sila, akala ko panaman mamatay na ako rito tapos wala pa sila.

"Bhabe!"

Tsk. Hanggang dito ba naman?

"Ano?!!"

"Are you okay? You look tired."---- May bahid ng pag-aalala na sabi niya.

Feeling ko tuloy, nawala ang inis ko ng makita ko ang pag-aalala sa mata niya.

"Nah. I'm fine, don't mind me."--- Ngumiti pa ako para sabihing ayos lang ako at wala siyang dapat na ikabahala.

" *sigh* Fine. Take car---"

"Hoy!!! Nasa gitna tayo ng labanan kaya itigil niyo yang paglalandian niyo!!!"

Sabay kaming napalingon kay Tony ng sabihin niya 'yun.

Psh. Pa epal!

"Tumahik ka Tony!!!!" --- Sigaw ni Drea sa kaniya pero binelatan lang siya ni Tony.

Tsk. Isip bata rin!

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasaan na siya? Bakit wala pa siya?

    =Klein PoV=

Nangunot ang noo ko ng biglang umalis ang Emcee sa stage. Alam kong sa back stage siya pupunta dahil mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang pag punta niya sa likod.

"Hindi ba dapat ay nasa labas na ngayon ang Gangster Queen? Eh bakit wala pa siya?"--- Takang tanong ni Syete.

"Bakit ako ang tinatanong mo?"-- ani sais

Sinamaan siya ng tingin ni Syete "Stupid! Hind ikaw ang tinatanong ko kaya huwag kang sagot ng sagot!"

"Eh sino pala tinatanong mo?"

"Sarili ko."

"Edi ibig sabihin baliw ka?"--- Takang tanong ni Sais kay Syete.

Napatampal na lang ng noo si Syete dahil sa naging tanong ni Sais.

Hindi na lang sinagot ni Syete si Sais at ibinaling na lang ang tingin kung saan naroon na muli ang emcee.

"Ladies and gentle man, pasensiya na ngunit walang mangyayaring revealing ngayon. Maaari na kayong umuwi. Once again, pasensiya na."

Dahil sa sinabi ng emcee ay samut-saring reaction na ang maririnig mo sa buong underground.

"Ayyytt bakit?"--- nakangusong tanong ni Sais.

"Useless."--- Ani Tres.

"May nangyari kaya?"--- Ani Dos

"Sa tingin mo Uno?"--- Tanong ni Kuwatro.

Hindi ko siya binalingan ng tingin dahil maging ako ay walang maisasagot kaniya.

Nagtataka man at naghihinayang ang iba ay wala silang nagawa kundi ang umuwi na lang, na siya ring ginawa namin.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now