Chapter 64

345 19 0
                                    

=Heilly Pov=

"Punta tayong Mall. Sinong sasama?" Pagyaya ni Drea sa'min.

Nasa sala kaming lahat habang nanonood ng movie.

Medyo boring narin dito sa bahay. Kanina pa kami dito sa sala at kanina pa rin kami nanonood ng kung ano-anong palabas na maisip nilang panoorin.

"I want to go but magiging safe ba tayo sa labas lalo na at hindi pa natin nahahanap ang nang kidnap sa inyo?" Ani Samy. Napanguso naman si Drea at bumalik sa kinauupuan niya kung saan katabi niya si Trever.

Kahit ako ay gusto ko ring lumabas dito sa bahay ni Klein pero tama si Samy hindi pa kami magiging safe sa labas lalo na at hindi pa namin nahuhuli ang kumidnap kila Ella.

Napatingin kaming lahat kay Khate ng tumayo ito sa gitna at naka pameywang na humarap samin.

Ano naman kayang na iisip nito?

"Hey, move! Huwag mong harangan yung tv na para kang poste diyan." Seryosong ani ni Tatay Kurt.

"Himala at nag salita kana Tatay Kurt! Bakit panis na ba laway mo?" Natatawang asar ni Tony kay Tatay Kurt pero sinamaan lang siya ng tingin ni Kurt.

"Shut up Idiot!."

"Idiot nanaman? Idiot ba talaga ako ha?" Gusto kong batukan si Tony dahil sa pag da-drama niya but thanks to Samy na siyang gumawa ng nasa isip ko.

Malayo kasi ako kay Tony kaya hindi ko siya mabatukan.

"Aray! Sino ka para batukan ako ha?!" Sigaw ni Tony kay Samy.

"Ako? Hindi mo ba ako kilala ha! Nakalimutan mo na ba ang pangalan ko?"

"Magtatanong ba ako kung kilala kita ha?!"

"Wahhhhh Heilly, Idol! Inaway ako ni Idiot!"

Sabay-sabay kaming napatawa dahil sa naging tawag ni Samy kay Tony.

Pfttt. Para namang sasabog na si Tony dahil sa inis.

Tawagin ka ba namang idiot? Sinong hindi maiinis do'n?

"Seriously?! You damn childish! I'm not idiot! My name is Tony not idiot! T.O.N.Y!"

"Toty???"

Toty? Amput..HAHAHAHA

"T.O.N.Y! idiot!" nanggagalaiting sigaw ni Tony kay Samy.

"I'm not idiot! Diba pangalan mo yung idiot?" Inosenteng tanong ni Samy.

Mas napalakas ang tawa namin dahil sa ka inosentihan ni Samy at ang mas nakakatawa ay ang pulang-pulang mukha ni Tony sa galit.

"Damn you!" Sigaw ni Tony kay Samy saka ito nag walk out. Nagtataka namang tumingin sa'min si Samy but we just shrugged.

*****

"Sa tingin niyo, alam na kaya ng kalaban niyo na nandito kayo sa bahay ni Klein?" Tanong ni Khate.

Nasa pool kaming lahat. Nasa likod ito ng bahay ni Klein. Naka upo kaming mga babae habang nakatampisaw ang mga paa namin sa pool. Except kay Samy na naliligo sa pool ngayon.

"We don't know." Sagot ko.

Napapaisip na lang ako kung sino na nga ba talaga ang kalaban. Nakakapagtaka kasing hinayaan niya lang akong kunin ang mga kaibigan ko ng wala man lang kahirap-hirap.

At hindi ko narin alam kung ang taong pinaghihinalaan ko ay siyang talagang may kagagawan ng lahat ng 'to.

Masyado siyang magaling mag tago ng emosyon at pulido siya kung kumilos kaya mahirap siyang hanapan ng butas na nagsasabing siya ang suspect sa lahat.

"GUYS!!!!"

Napatayo kaming lahat ng may sumigaw. Nag katinganan kaming mga babae at nag-usap-usap na hintayin na lang ang pag dating ng mga lalaki.

Nasa labas ng bahay sila Klein. Do'n nila kasi na isip na tumambay at mag chill.

Maya-maya lang ay nakita na namin ang mga boys na tumatakbo palapit sa'min. May dala silang mga tuwalya pero hindi yun ang mas pinagtuunan ko ng pansin.

Yung hawak ni Tony na box na kulay Itim.

"What's that?" Pagbubukas ng usapan ni Samy.

"Obviously, it's a box." Pilosopong sagot ni Tony.

"Yeah I know."

"Eh bakit ka pa nag tatanong?"

"Idiot! What i mean is, the inside! Anong laman ng box." Parang nainiis na sabi ni Samy.

Why i know, nagiging seryoso si Samy kapag seryoso ang pinag-uusapan at kapag alam niyang kailangan mag seryoso.

"Idiot? Ako? Hoy childish, huwa---"

"SHUT UP! We're not here to watch your nonsense fighting. Were here to know what is inside the box!" Sigaw ni Tatay Kurt na nag patahimik sa dalawa.

Nauna pa kasing mag-away kesa sa alamin ang nasa loob ng box.

"Put it down Tony." Na siyang sinunod naman ni Tony.

Inilapag niya ang box sa mismong harapan ko. "Now, open it." Muli kong utos.

Sinimulan ng buksan ni Tony. Una niyang binuksan ay ang wrapper na naka balot sa box. sunod ay ang scotch tape na nakadikit sa pinakabunganga ng box.

Medyo natagalan pa si Tony sa pag bukas dahil sobrang daming scotch tape ang ginamit. Kaya kumuha muna ng cutter si Klein sa loob ng bahay.

"Sa tingin niyo, anong laman ng box?" Shin.

"Threat?" hindi siguradong sagot ni Amanda.

"What about you?" Turo ni Shin sa'min.

"Same with Amanda." Tugon ni Khate.

"Here."

Natigil ang pag sagot ng tanong namin ni Shin ng dumating na si Klein dala ang cutter.

Muli ay sinimulan na ni Tony ang pag bukas. Hanggang sa bumungad na nga sa'min ang nasa loob.

Isang papel na kulay puti. Malaki ang box pero ito lang ang laman?

Kinuha ko ang papel at binuklat. And Amanda's right. This is a threat.

"I knew it." Sambit ni Ella.

"Alam na nga ng kalaban kung nasaan tayo." Ani Mike.

"Mike's right." Clurk.

"Let's get inside. You might sick." Suhestiyon ni Klein saka abot sa'kin ng tuwalya.

Hindi na namin pinansin ang pag aaway na naman nila Tony. Mga isip bata.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now