Chapter 24

471 18 0
                                    

=Ella Pov=

Isang araw na ang lumipas simula ng isigaw ni Queen ang pangalan ni Drea.

At hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising.

Kaya hanggang ngayon din ay hindi namin siya iniiwan mag-isa dito sa kuwarto niya.

Umaalis lang ang dalawa sa'min kapag may kailangang bilhin.

"Guys, tumawag na ba si Drea sa inyo?"

Tanong ni Tony rex na siyang kinalingon naming apat sa kaniya.

"Sa'kin hindi pa."  Sagot ni Amanda Owens.

"Sa'kin din ay hindi pa siya nakakatawag." Ani Tatay Kurt Mendoza.

"Pero... Hindi ba kayo nagtataka na hanggang ngayon ay wala parin si Drea?".

Bakas ang pagtataka sa boses ni Mike ng sabihin niya iyun.

"Ang tanong na saan ba si Drea Vilim at ni isa man lang sa'tin ay walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon?".  Ani ko.

"Impossible namang busy siya sa kanilang palasyo e kung tutuusin ay wala naman siyang ibang ginagawa roon kundi ang makipag kulitan sa parents niya." Ani Amanda na sinang-ayunan namin.

Tama siya, si Drea Vilim ay walang ginagawang iba sa palasyo nila liban sa pakikipag kulitan sa parents at ate niya.

"Guys, paanp kung hanapin na lang natin si Drea?"

Suggest ni Tony Rex.

"Ang tanong sinong mauunang mag hanap sa kaniya. Alam niyo namang hindi natin puwedeng iwan si Queen dito."

Ani ko.

"Ako at si Tony na lang muna ang maghahanap. At sa pag balik namin at hindi namin kasama si Drea ay ang natitira sa atin ang maghahanap."

Ani Mike na kaagad din naming sinang-ayunan.

Aishh. Na saan na ba kasi si Drea?

"Ang tanong kailan kayo aalis ni Tony?"

Tanong ni Amanda kila Mike.

"Puwedeng ngayon na para makabalik agad kami kung sakaling hindi namin makita agad si Drea."   Ani Mike.

"Sige na umalis na kayo at ng hindi kayo---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may nag salita.

"Sasama ako."

Sabay-sabay kaming napalingon sa nag salita. At gano'n na lang ang gulat namin ng makitang gising na siya.

"QUEEN!!!!"

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now