Chapter 67

323 21 0
                                    

=Heilly Pov=

Nang imulat ko ang mata ko ay puting dingding ang tumambad sa'kin. Hihilutin ko sana ang sintido ko ng hindi ko maiangat ang braso ko.

Shit!

Tin-ry kong kalasin ang kadenang nagkukulong sa kamay ko pero sa tuwing gagawin kong tanggalin ang kadena ay mas lalo itong sumisikit.

This is bullsh-t!

Napahinga akong malalim at sinubukang gamitin ang inner mind ko para contact-in sila Ella pero tila may pumipigil sa'king makatawag kila Ella.

Arghh! Seriously, Heilly? Nahuli ka nila?

Inilibot ko ang paningin sa paligid. May bintana pero naka lock at may mga bakal na nakaharang dito.

Malinis ang paligid. May kalawakan. May cr din. Pero iisa lang ang napagtanto ko, naka sealed ang kwartong ito.

Dahilan para hindi ko magamit ang kapangyarihang meron ako. Aishh! Bakit ba kasi nag paiwan pa ako dito? Ito tuloy napala ko!

=F.L.A.S.H.B.A.C.K=

"Ano, tara?" Tanong ko kay Ella. Nasa bubong parin kami ng bahay ni Klein. Nag-uusap kung itutuloy ang binabalak namin.

Ella sighed and face me with smirk plastered on her face. " Let's go. Queen."

Napangise na lang din ako. Sinenyasan ko siyang humawak sa balikat ko and after that ay nakarating kami sa isang abandonadong gusali-- ito yung lugar kung saan ko nakita sila Ella'ng nakatali at puno ng sugat.

"Sure ka ba dito---"

"Shhhh." pagpapatigil ko sa kaniya. Hinila ko siya at nag tago kami sa likod ng isang malaking puno.

Tinago rin namin ang presensiya namin. Mula sa kinatatayuan namin ay namataan ko ang tatlong vampirang naglalakad papasok sa loob ng gusali.

Paano ko nalamang mga vampire sila? Dahil isa 'yun sa natural na kakayahan naming mga bampira na malaman kung kalahi ba namin sila o hindi.

Nang mawala ang tatlo sa paningin ko ay hinila ko si Ella papunta sa gusali para pumasok.

"Mag back out na kaya tayo?" may bahid ng pagkabahala ang boses nito. Kesa sagutin siya ay hinila ko na siya papasok sa loob.

Wala narin naman siyang choice kundi ang samahan ako. Ang walang kalaman-laman na gusali nung una, ngayon ay may mga gamit na ito.

Gamit para sa pagkuha at pagkitil sa mga mortal. Namataan ko pa ang isang bampirang lalaking naka lab coat. May babaeng nakahiga sa harapan niya at may mga nakatusok ng kung ano-ano sa katawan ng babae na kung saan kinukuha nito ang dugo ng babae at napupunta sa isang bloodpack.

Tsk. Mga walang hiya!

Hinila ko si Ella paalis do'n at dinala sa tagong lugar.

"Maghihiwalay na tayo dito. Give me a cignal kung makikita mo siya dito. At kung lumagpas na ang isang oras at wala parin siya dito ay uuwi na tayo. Okay?"

"Okay."

"Now, go."

Nang makaalis si Ella ay nag simula na akong maglibot-libot sa paligid. Nasa first floor parin ako at si Ella ang nasa second floor.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now