Chapter 62

345 15 0
                                    

=Heilly Pov=

Araw ng sabado ngayon at walang pasok. Imbis na nasa bahay ako at natutulog, heto ako ngayon sa mala-palasyong bahay ni Klein.

Take note. Hindi lang ako ang narito. Narito narin ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Klein. Isama mo narin ai Khate the bitch.

Napag-usapan namin kasi na sa iisang bahay na kami titira para makapag plano at the same time maka iwas sa kalaban.

Laban lang namin ito pero heto sila at nakisali. Gusto ko nang patulugin silang lahat except sa mga kaibigan ko para makaalis kami at ng kami na lang ang tumapos ng kaguluhang ito.

Pero ayoko namang hindi pakinggan ang mga opinyon ng mga kaibigan ko. Sabi nila, mas mapabibilis ang paghahanap namin sa kalaban kung kasama namin sila Klein.

Wala narin naman akong choice kundi ang pumayag kaya eto kami ngayon sa bahay ni Klein.

"Queen, sa tingin mo may kinalaman ba dito si Draze?" Ella.

Mag kasama kami ni Ella sa iisang kuwarto. Bale tig dalawa sa iisang kwarto kami except kila khate na tatlo sila sa iisang kwarto.

"Yeah." Siguradong sagot ko. "Kayo na mismo ang nag sabi no'n na saktong pag dating ni Draze ay siyang naramdaman niyo ang bad energy. Isa pa, kung normal na tao lang ang nanakit sa inyo ay hindi mag tatagal ng ilang araw ang mga sugat niyo sa katawan... Alam mo ang ibig kong sabihin."

"Pero kung si Draze nga, bakit niya ito ginagawa?"

Kung siya nga, bakit nga ba? Ngayon ko lang siya nakita at na meet kaya impossibleng may nagawa akong masama sa kaniya.

Depende na lang kung... Hindi kaya?

"Papuntahin mo dito si Clurk. May gusto lang akong alamin sa kaniya." Utos ko kay Ella. Nagtataka man ay sinunod niya naman agad ang inutos ko. "Sandali Ella." Pagpapatigil ko kay Ella.

"Bakit?"

"Si Clurk lang, wala ng iba."

******

"did you see anything?" Tanong ko kay Clurk.

Ilang oras na kaming narito sa kwarto namin nila Ella pero hanggang ngayon ay hindi parin niya nahahanap ang gusto kong makita.

"I don't see anything except this." Ani Clurk at ipinakita sa'kin ang nakalap niyang impormasyon.

Matapos kong mabasa ang nakasulat ay napahilot na lang ako sa sintido ko.

"Siya ba?" Nabaling ang tingin ko kay Clurk.

"Depende."

"Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba sayo to o hindi na lang. Pero baka makatulong."

Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Clurk.

"What is it?".

"I'm not sure about this, but... Nung araw bago mawala sila Amanda ay nakita ko si Draze na lumabas galing sa kusina ng canteen."

Ano naman kayang ginawa niya do'n? Pero kung gagamit siya ng sleeping pills ay dapat...

"Wait, recess time mo ba siyang nakita?"

"Nope, it's lunch time."

"It means maraming studyante ang nakain do'n."

"Yup."

"E ano naman ang ginawa niya sa kusina ng canteen?"

"Depende na lang kung alam niya ang pagkaing in-order nila Ella no'ng araw na 'yun."

"Puwe--- l"

"HEILLLY!!!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Clurk ng marinig ang boses ni Klein sa labas ng kwarto.

tsk.

******

"Sinong magluluto?" Tanong ni Khate.

Nasa sala kaming lahat ngayon. Yung iba nakaupo na sa sahig dahil hindi kami ka siyang lahat sa sofang narito.

"Ikaw na lang Khate. Masarap ka namang mag luto." Suhestyon ni Samy na agad naming sinang-ayunan.

"Pero pagod ako."

"Edi si Aine." Ani Shin.

"Hoy, gunggong! Manahimik ka ha! Hindi ako marunong magluto buwiset ka!" Nanggagalaiting sigaw ni Aine kay Shin, pero tinawanan lang siya ni Shin.

"Um-order na lang tayo." Ani Drea kaya lahat ng mata ay nabaling sa kaniya.

"N-nag s-suggest lang." Utal na ani ni Drea.

"Hey! Stop looking at her! Nag su-suggest lang siya!" Pagtanggol ni Trever kay Drea.

"Shut up Trever! Huwag kang O.A." Mataray na ani ni Khate.

"Tumahimik na kayo guys. Khate samahan mo ako. Tayo na lang ang bibili sa labas." Ani Ella at walang pasabing nag teleport kung saan.

"The Fuck?!" Gulat na ani nila.

Uh-oh.

Hindi pa pala nila Alam ang tungkol sa pagiging bampira namin. Napailing na lang ako dahil sa kapabayaan ni Ella. .

Bahala siyang mag paliwanag mamaya pag dating niya.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now