Chapter 13

614 22 0
                                    

=Heilly Pov=

Nasa bahay kaming pito at hinihintay ang eksaktong oras para pumunta ng UG. Ayoko sa lahat ay yung ako ang nag hihintay.

Wala akong pake kung sila ang mag hintay sa'min. Sila naman ang nag hamon kaya bahala sila diyan.

"Queen."( oo nga pala, kapag kami lang ang mag kakasama ay queen ang tawag nila sa'kin. Pero kapag may ibang tao sa paligid namin ay pangalan ko mismo ang tinatawag nila sa'kin.)

"bakit?" Tanong ko kay Drea ng tawagin niya ako.

"Aalis na ba tayo?"

"Eh? Anong oras na ba?"

"8:30 na."

"8:30 na pala. Ano pang hinihintay niyo, halika na kayo." Saka ako naunang lumabas ng bahay.

••••••••••••••••

𝕋ℍ𝕀ℝ𝔻 ℙ𝔼ℝ𝕊𝕆ℕ ℙ𝕆𝕍

Sa UG o tinatawag na Under ground ay naghihintay ang mga kalabang nag hamon kila Heilly.

Puno ang buong UG ngayon dahil matagal-tagal na rin nilang hinihintay ang grupong devilish Group( Name ng grupo nila Heilly).

At ngayon ang araw na hinihintay nila, ang muling paglaban ng Devilish gang. Ang grupong walang inuurungan, kinakatukan at kinaaawaan.

Kilala ang Devilish Gang, mapaloob o mapalabas ng UG. Sila ang grupong nangunguna sa listahan bilang pinakamagaling na Grupo.

MAYA-MAYA lang ay dumating na ang pinakahihintay nilamg grupo. Ang kaninang may katahimikan pang paligid ay bigla na lang yumanig ng dahil sa kanila.

𝐄𝐦𝐜𝐞𝐞: Let's all welcome the DEVILISH GANG!

"𝑊𝑜ℎℎℎℎℎℎℎ!"

"𝑊𝑎ℎℎℎℎℎℎℎ!"

"𝐷𝑒𝑣𝑖𝑙𝑖𝑠ℎ 𝐺𝑎𝑛𝑔!"

"DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH DEVILSH GANG! GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! DEVILSH GANG! "

Sigaw ng halos ng mga taong na sa UG.

𝐄𝐦𝐜𝐞𝐫 Lee: Guys! Alam kong excited na kayo sa labang magaganap ngayon kaya hindi ko na papatagalin pa ito. Let's all welcome The DEVILISH GANG! AND ALSO THE BITCH GANG!

Ng tawagin ang dalawang grupo ay sabay silang nag si akyat sa ring. Pawang mga nakangise ang BITCH gang pero ang grupong DEVILISH ay mga seryoso silang.

Hindi sila kinakabahan dahil alam nilang mananalo kaagad sila dito sa laban ng walang kahirap-hirap.

𝐄𝐦𝐜𝐞𝐞 Lee: Parehong handa na ang dalawang grupo! Let the Battle begin!

Matapos mag bigay ng hudyat ang emcee ay nauna ng sumugod ang kabilang grupo, Ang Bitchy Gang.

=Heilly Pov=

After mag bigay ng hudyat si Becky Emcee ay nag simula na ang laban sa pagitan namin ng Bitchy Gang.

Pito sila at pito rin kami kaya patas lang ang laban.

Hindi kami gumalaw sa puwesto namin, at mukhang naintindihan naman nila ang ibig naming sabihin na sila ang mauna.

Nakangiseng sumugod sa'kin ang leader nilang may hawak ng Dagger na kanina ko pa napansin sa kamay niya.

Bawat wasiwas niya ng Dagger ay madali ko lang iniiwasan. Hinahayaan ko lang siyang sugurin ako at hindi ako gumagawa ng kahit ano pang aksyon para saktan siya.

Nakakatuwa kasi ang mukha niyang pag masdan na mainis at magalit.

"Arghhh! you bitch! Ano, hindi ka man lang ba aatake? Iiwas ka na lang ba?" Mataray na sabi nito. Pero ramdam ko ang pagod niya kaya mas lalo akong napangise.

I smirked at her. "Hayaan mo, susugod din ako sa'yo. At kapag nangyari 'yun ay asahan mong pag katapos no'n ay wala ka ng buhay." Kita ko naman ang paglunok niya ng ilang beses bago muli akong sinugod.

"Huh! Ano sa tingin, matatakot ako sa sinabi mo? Eh weak ka naman."

Napantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Huminto ako sa pag iwas at seryoso siyang tinignan.

Nagtataka siyang huminto sa pag sugod at kabadong akong tinignan.

Lumapit ako sa kaniya, habang siya ay umaatras. "Ang ayoko sa lahat ay 'yung sinasabihan akong WEAK. Dahil lahat ng taong sinasabihan ako ng panget ng salitang 'yun--" Saglit akong huminto.

"A-anong ginagawa mo?" Utal na tanong nito. Nginisihan ko siya, ngising sana ay hindi mo na lang nakita.

"Ay PINAPATAY ko." Pag tutuloy ko sa sasabihin ko. Namutla naman ito at bahagyang humakbang palayo sa'kin.

Nanginginig din ang mga tuhod niya sa bawat abanteng ginagawa niya.

"H-indi ako naniniwa----" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng walang alinlangan kong itinarak sa dibdib niya ang dagger na pagmamay-ari niya.

Rinig ko ang pag singhap ng mga manonood. Saglit lang 'yun hanggang sa napilitan ng mga samut-saring hiyawan.

Legal ang pumatay dito. Suwerte mo na lang kung buhayin ka pa ng kalaban mo. Ang totoo niyan ay wala akong balak na patayin yung babae.

Tinatakot ko lang siya, kaya lang dahil sa sinabi niya ay tinotoo ko na.

Psh. Masiyado kasing matabas ang bibig.

Matapos ang walang kwentang laban na 'yun ay umalis na agad kami sa UG at umuwi.

💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now