Chapter 2

1.2K 35 0
                                    

"Katty Semon!!!"

Nilingon ko kung sino ang sumigaw. Si Ella Jackson lang pala. Galit ito, hindi sa'kin kundi kay Katty na siyang umaaway sa'kin.

Nakakatuwa lang dahil may nag tatanggol sa'yo sa mga bully, katulad na lang ni Katty Semon.

"Ikaw!" Turo niya kay Katty Semon na ngayon ay takot na. "Sino nag sabi sa'yong saktan mo si Heilly Baldwin ha?! Napaka bully mo talagang bruha ka!" Akmang sasabunutan na ni Ella si Katty ng bigla itong kumaripas ng takbo kasama ang mga alipores niya.

Psh. Duwag naman pala.

Hinarap ko naman si Ella Jackson na ngayon ay nakangise na. "Sorry na late ako. Ano, na saktan ka ba niya?" Nag-aalalang tanong nito.

"Nasampal niya---"

"What?!"

"Puwede ba huwag kang Oa? Sampal lang 'yun. Kaya hayaan mo na at pumasok na tayo. Ma le-late na tayo." Saka ko siya hinila papasok sa room.

****

After ng class namin sa umaga ay dumaretso kaming canteen. Kasama ko parin si Ella Jackson, dahil ang iba naming kasama ay paniguradong ma le-late nanaman.

Dalawa lang kami ni Ella Jackson na mag ka-klase, at 'yung lima pa na kasama namin ay sila-sila ang magka-klase.

"Here." Sabay lapag ng pagkain na dala ni Ella Jackson. Siya ang umorder at ako naman ang nag hanap ng upuan.

"Oo nga pala Heilly Baldwin, anong plano?" Natigil ako sa pag nguya dahil sa naging tanong niya.

"Tulad ng dati, hayaan silang sumugod sa'tin." Tugon ko. Balak niya pa sanang humirit ay hindi na niya nagawa dahil sa sunod-sunod na tilian at sigawan ang pumaibabaw sa buong canteen.

"𝘞𝘢𝘩𝘩𝘩!!! miss 𝘚𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘶𝘵𝘦 𝘮𝘰!"

"𝘉𝘢𝘣𝘺 𝘛𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨!"

"𝘊𝘭𝘶𝘳𝘬!!! 𝘗𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰!"

"Mr.𝘒𝘭𝘦𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘰𝘵! 𝘏𝘰𝘵 𝘮𝘰!"

"𝘈𝘵𝘦 ms.𝘒𝘩𝘢𝘵𝘦, 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘮𝘰 𝘱𝘰!"

"ms.𝘚𝘢𝘮𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘶𝘵𝘦 𝘮𝘰!"

"ms.𝘈𝘪𝘯𝘦! 𝘜𝘸𝘪 𝘬𝘢𝘯𝘢 𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘵!"

At kung ano-ano pa ang mga narinig ko sa sa mga studyanteng narito. Nag katinginan kami ni Ella, at maya-maya pa ay pumalahaw na si Ella ng tawa.

"HAHAHAHHAH."--- ELLA

Ang kaninang maingay na sigawan at tilian ng lahat ay napalitan ng malakas na tawa ni Ella.

Pfftt...baliw talaga kahit kailan.

"Ho--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang may nag salita sa galid ko.

Ang guess who? Si Khate na masama nakatingin kay Ella.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now