Chapter 57

331 18 0
                                    

=Ella Pov=

2 days... 2 days na kaming pinapahirapan ng g*gong 'yun. Pilit niya kaming pinasasagot sa isang katanungang wala kaming kinalaman.

Pagod na ako, kami. Dahil simula ng kidnapin nila kami ay maya't- maya nila kaming pinagbubuhatan ng kamay.

Gusto ko ng bumigay pero alam kong hindi puwede. Kailangan kami ni Queen. At alam kong gagawa ng paraan si Queen para hanapin kami.

"Babe, are you still awake?" May bahid ng pag-aalalang tanong ni Mike sa'kin.

Hindi ako nagtaas ng tingin para tignan siya dahil hindi ko kayang makita siya at silang nasa ganitong sitwasyon.

"I am."- nanghihinang sagot ko.

"Are you already tired, babe?"

"Yeah, Pero ayokong dito mamatay. Ayokong sa paraan na 'to ako mamamatay. Gusto kong mamatay habang nasa kalagitnaan ng laban. Hindi yung ganito... Yung ganitong wala tayong laban."

Pilit kong nilalabanan ang paghikbi ko pero hindi rin nagtagal at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Shhh Ella, stop crying."-- rinig kong sabi ni Drea.

"Buwiset! Ang sakit ng katawan ko! Mga peste sila! Sinira nila ang gwapo kong mukha!"

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pag iyak o titigil na lang saka tatawa.

Kahit kailangan talaga masyadong mahangin ang lalaking yan.

"Shut up, yoy idiot!"-- nagbabantang sabi ni Tatay Kurt.

"Idiot mo mukha mo Kurt! Kapag talaga ako nakawala dito ay babangasan ko rin ang mga panget nilang mukha! They have no right to punch my handsome face! They all jerk!"

"Hoy Tony! Anong handsome face? Gusto mo bang sipain ko yung ngala-ngala mo ng magtanda kang hinayupak ka!"-- Ani Drea.

"Hoy babaeng pandak na may gusyo kay Trever! Tigilan mo ako at baka hindi kita matansya at maihagis kita sa labas ng bintana."

"Bakit na damay dito si Trever?  Wala naman siya dito ah?"

"Ah basta kasali dito si Trever."

Napailing na lang ako sa kabaliwan ng dalawa. Pero atleast nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

I'm lucky to have them.

=Klein Pov=

Para akong baliw mag isang nakangiti dito sa kwarto ko.

Simula ng umalis si Heilly ay hindi parin naaalis ang ngiti sa labi ko. Masaya ako-no, scratch that. Sobrang saya ko.

I finally have her. Matagal ko ng hinintay na mapasakin siya. Na maging isa kami ay handa akong gawin para lang mapanatili siyang ligtas.

Speaking of safety... Shit!

Nasapok ko na lang ang noo ko dahil nakalimutan kong bantayan si Heilly. Dapat hindi ko siya hinayaang mahiwalay sa tabi ko. Aishh! Stupid Klein!

Dali-dali akong tumayo sa kama ko at saka nag teleport papunta sa palasyo ng Whiterian.

Kilala na ako ng kawal dito kaya agad nila akong pinapasok sa loob. Dumaretso akong sala kung saan do'n ako hinatid ng katiwala dito sa palasyo.

Nag bigay pugay agad ako ng makarating sa reyna at hari ng palasyong Whiterian.

"Prince Klein, ano't naparito ka?"- Nakangiting tanong ni Queen Helena.

"Naparito po ako upang itanong kung narito pa si Heilly?"

"Si Sweetie? Hindi namin siya nakitang umuwi rito. Oh siya, Rita, samahan mo ang prinsipe sa kwarto ni Heilly."-- sumunod naman ako kay Rita tulad ng sabi ni Queen Helena.

Pag dating sa kwarto ni Heilly ay walang pasabing pumasok ako sa loob. Hindi naman kasi nakalock yung pinto.

Pero gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko ng walang Heilly ako na nadatnan dito.

Napabuntont hininga na lang ako. Lumabas ako ng kwarto at nag punta sa throne nila Queen Helena para mag paalam.

****

Ilang oras din akong nag hintay sa pag dating ni Heilly pero hanggang ngayon ay wala parin siya.

Tsk! Where are you Heilly?

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now