Chapter 73

315 20 0
                                    

=Ella Pov=

"YEHEY!!!!" Parang batang sigaw nito with may pataas-taas pa ng dalawang kamay.

Napailing na lang ako sa ka childishan niya. Kaya ganiyan siya mag react ay dahil pumayag na akong sumunod kami kila Klein.

=F.L.A.S.H.B.A.C.K=

"Ano, susunod ba tayo?" Pang sampong tanong na sakin ni Samy niyan.

Hindi ba siya napapagod?

"No." Sa ilang tanong niya, iisa lang din ang sagot ko. And it's a NO!

"Pero gusto mo?"

Aish! Kailan niya ba ako titigilan?

Tumayo ako sa pagkakaupo at nag punta sa kusina. Nakaramdam ako ng uhaw sa pinag sasabi ni Samy.

Binuksan ko ang ref. Kinuha ko ang pitchel na naroon.

"Susunod na tay----"

"The hell, Samy!" Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong pitchel dahil sa pag sulpot niya.

"Hehehe. Peace?" At nag wacky sign pa 'to.

Bumuntong hininga ako. Sinarado ko ang ref at inilapag ang pitchel sa mesa. Kumuha ako ng isang baso at sinalinan ito ng tubig.

Humarap ako kay Samy na kanina pa hinihintay ang sagot ko. .

"Bakit ba gusto mong sumunod sa kanila? Alam mo namang naro'n si Klein kaya bakit?" Di ko mapigilang tanungin siya.

Nakakapagtaka rin kasi ang sinasabi ng mata niya. Iba ang nababasa ko rito, at hindi 'yun saya na kanina niya pa pinapakita sa'kin.

Nailapag ako ang baso sa mesa ng makitang sumeryoso ang mukha nito.

Sumandal siya sa ref at nakapamulsang tinignan ako.

"I don't know either. Hindi ko alam kung sino."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong sino?

"sino? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.

May kinalaman kaya ito sa nagaganap ngayon kila Queen? Pero kung oo... Hindi kaya....

"Kung ano mang iniisip mo tungkol sa'kin, tama ka."

"Paano nalaman na may ganiyan kang kakayahan?"

"Basta ang alam ko lang...Nakakakita ako ng isang scene na may mapapahamak at--"

"At?"

"At nakakita ako kanina lang bago tayo makauwi dito. Hindi ko agad sinabi sa'yo----" I did not let her to finish her speech.

"Sino? Sino sa kanila?" Seryoso kong tanong.

Like the heck! May mapapahak ng isa sa kanila, tapos kami, heto at naghihintay lang sa mangyayari!

"Sorry. Hindi ko alam kung sino."

"Paanong hindi mo alam?"

"Nakakakita ako ng mga scene na mangyayari, pero hindi ko alam kung sino ito. Hindi rin malinaw kung anong gender ng nakita ko kanina. Lalo pa't blurd ito."

"Eh paano mo nasabing may mapapahamak sa kanila kung hindi mo alam kung sino?"

"Dahil nakakakita lang ako ng mga gao'ng scene kung ang mapapahamak ay malapit sa'kin."

Para akong na tuod sa sinabi niya. Ibig sabihin, may mapapahamak nga sa kanila!

Kailangang makapunta kami agad do'n!

    =END OF FLASHBACK=

Kung mag saya siya ay parang wala siyang sinabing kinatakot ko kanina.

"Ready?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako pa ba? Oo naman!"

Iilin-iling kong pinaandar ang sasakyan saka ito pinaharurot sa abandonadong gusali!

Sana... Sana hindi pa nangyayari ang sinasabi ni Samy.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now