Chapter 32

431 17 0
                                    

A/n: SORRY SA LATE UPDATES GUYS.

=Third Person Pov=

Ang CRUEL TRIDENT GANG o mas kilala bilang C.T Gang. Sila ang Rank 3 sa gangster world.

Kilala sila dahil sila ang pinakamaraming tauhan. Kilala rin sila bilang madaya kung makipaglaban.

Gustuhin man lumaban ng ibang grupo sa kanila, ay hindi na magawa pa dahil takot silang maranansan ang madayang pakikipaglaban nito.

Ang namumuno sa grupong ito ay si BALDO, o mas kilala bilang BADLY PHSYCO.

=Heilly Pov=

Matapos ang insidenteng nangyari ay hinila ako ni Klein paalis do'n, hinatid niya ako sa condo na sinang-ayunan ko na lang din.

Matapos niya akong ihatid ay umalis na agad siya.

Kung sigurong wala akong alam sa kaniya, iisipin ko ay may malaki siyang problema.

Alam kong may gagawin siya para mawala na sa landas niya si Baldo bago pa may makakilala kay Klein na bilang Uno.

Nang maalala ko ang nangyari kanina ay kunot-noo akong nag teleport papunta sa bahay ni Ella.

Sa bubong ako nila Ella nag teleport dahil alam kong do'n sila magtatago ni Amanda. Perp dahil ako si Heilly, walang hindi ako alam tungkol sa dalawang 'yun.

Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang likod nila Amanda at Ella at akala mo ay may seryosong pinag-uusapan.

"Sinong nag sabi sa inyong puwede kayong gumamit ng powers niyo sa ibang lugar?"

Seryosong sabi ko. Gulat silang napatingin sa'kin. Lihim na lang akong napatawa ng mabasa sa mata nila ang takot.

Hanggang ngayon ay hindi parin nila ako kilala.

"Q-quuen."--- Utal na sabay na sabi nila.

Nakakatuwa 'yung mga mata nilang naglalakihan dahil sa gulat.

Tsk. Ang titigas talaga ng ulo nila.

"I said, sinong nag sabi sa inyong gumamit kayo ng powers niyo sa ibang lugar?."--- Pag-uulit ko sa tanong ko.

Nag katinginan silang dalawa. Maya-maya pa ay sabay silang nagtaas ng kamay. Kanang kamay.

Nakayuko sila kaya hindi ko kita ang mukha nila. Pero hindi nakatakas sa'kin ang pag taas-baba ng mga braso nila.

Nagawa pa akong tawanan. Saka, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Tumayo kayo diyan saka lumapit kayo sa'kin."--- May pag-uutos na sabi ko sa kanila.

Sabay silang tumayo. Lumapit sila sa'kin habang nakayuko.

Nang tuluyan na silang makalapit ay sabay ko silang kinurot sa tagiliran na kinadaing nilang pareho.

"Ouch!"

"Aray!"

"Mabuti na lang at hindi kayo nakilala ni Klein, kung hindi... Mas malala pa diyan ang gagawin ko. Naiintindihan niyo?"

Himasmas ang parteng kinurot ko ay sabay silang tumango.

"Oo nga pala, batay sa narinig ko si Uno ang kailangan niya, at hindi ikaw. Paanong nangyari 'yun?"--- Nagtatakang tanong ni Ella.

Nakaupo na kami ngayong Tatlo habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"kahit ako ay nagtataka. Kung tutuusin ay bukod kay Heilly ay wala ring nakakakilala kay Klein bilang Uno, kaya paanong nakikila ni Baldo si Klein?"

Mababakas din sa boses ni Amanda ang pagtataka.

Kahit ako ay nagtataka din pero hindi ko na iyun pinahalata pa.

"Kilala ang grupo nila Klein, isa sa mga grupong magagaling magtago ng Identity. At sila Baldo? Madadaya lang sila, pero hindi sila magagaling."

Tama si Amanda, kilala ang grupo nila Klein sa pinakamagaling magtago ng identity nila kaya nakakapagtaka lang na nalaman ni Baldo ang codename ni Klein.

Hindi kaya... Psh. Nevermind.

Tumayo na ako saka pinagpag ang maong ko.

"Uuwi na ako. Magkita na lang tayo bukas."--- Matapos kong mag paalam sa kanila ay nag teleport na ako sa bahay ko.

=Drea Pov=

"Kailangan ko na pong umuwi. Dahil alam kong nag-aalala na sila sa'kin."--Tugon ko sa Vampirang kaharap ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang kaharap ko siya at nakakausap pa.

Kung sigurong narito  si Heilly ay alam kong mas higit pa sa reaction ko ang magiging reaction niya.

Ngumite ito saka tumango.

"Pasensiya kana kung matagal bago tayo magkita. Masaya akong nakita kita, at sana walang makaalam na buhay pa ako. Kahit na sino. Maliwanag?"

"Maliwanag po." Ani ko saka ngumiti ng malapad sa kaniya.

"Sige na mag-ayos kana at si Kenny na ang maghahatid sa'yo."

"Sige po."

Nag tungo ako sa kuwartong tinutulugan ko. Lumapit ako sa salamin saka humarap do'n.

Inayos ko ang parte ng buhok ko na magulo. After non ay lumapit ako sa kama saka kinuha do'n ang bag na naglalaman ng mga pagkain.

Yeah, pagkain.

*Knock... Knock*

Sinuot ko na ang bag saka binuksan ang pinto. Si Buttler Key lang pala.

"Let's go, buttler Key." Nakangiteng aya ko sa kaniya.

Tumango naman siya saka naunang naglakad.

Hindi rin nagtagal ay nasa harap na ako ngayon ng portal. Sa mismong bahay ako ni Heilly pupunta para masabihan ko na siyang nakabalik na ako.

for sure ay nag-aalala na sa'kin 'yun.

Bago ako tuluyang pumasok ng portal ay binalingan ko muna si Buttler Key.

"Mamimiss kita Buttler Key... Sa susunod ay magkikita pa naman tayo diba?"

"Oo naman. Kaya sige na pumasok kana ng portal ng makabalik ka na sa lugar ng mga mortal."

"Bye."

Paalam ko at tuluyan ng pumasok ng portal.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now