Chapter 41

386 18 0
                                    

=Ella Pov=

Isang araw ang nakalipas simula ng mangyari ang labanan sa pagitan namin at ng Darkian Kingdom.

Tulog parin si Queen, at ngayon, may pasok na kami.

A-absent ngayon si Mike at si Tatay Kurt para magbantay kay Heilly.

Kami naman nila Drea, Amanda at Tony ay papasok. Hindi excuse ang pagkakahospital ni Heilly para umabsent kaming anim.

Kaya wala kaming choice kundi ang pumasok at makinig sa mga boring na subjects.

"Let's go Ella."-- Ani Amanda.

Dumaan muna kasi kaming apat sa hospital bago pumasok. You know, para makita si Heilly.

PAG DATING sa school ay ako na lang isa ang pumasok sa room. 'Yung tatlo kasi magkakaklase kaya no choice ako kundi ang pumasok dito mag isa.

Pag pasok ko sa loob ay hindi pa man ako nakakaupo ay nag silapitan na ang mga kaklase ko at sabay-sabay na nagsi Tanong.

"Ella, balita namin nasa hospital si Heilly totoo ba yun?"

"Ayos lang ba siya?"

"Anong nangyari?"

"Kailan siya lalabas?"

"gising na ba siya?"

"Magigi----"

"SIT DOWN!!!"--- Dahil sa sigaw na 'yun ay mabilis silang nag sialisan sa harapan ko.

Napabuntong hininga na lang ako saka iiling-iling na umupo sa upuan ko.

Psh. Kung hindi pa siguro dumating si Ma'am ay baka hanggang ngayon ay nasa hot seat parin ako.

Sila kaya? Ganito rin kaya ang nangyari sa kanila? How i wish... Para naman patas lang kami. Hehehhe

" *clear throat* Pasensiya na Ms. Alcantra sa nangyari sa'yo. Anyway... Before ako mag simulang mag klase ay may bago kayong magiging kaklase. Behave."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Ma'am. Malapit na mag end ang class tapos may mag ta-transfer pa?

Maya-maya ay pumasok ang isang lalaking may kataasan, maputi, may mapulang labi, mata--- wait! Bakit ko ba siya dini-describe? Psh.

But anyway...Gwapo siyA.

Dahil sa kaniya ay nagsimula ng kiligin ang mga kaklase ko. Akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo at todo sila paganda.

Tsk. Mga babae nga naman.

"Class Quiet! So Mr. Introduce yourself now." --- sabi ni Ma'am. Tumango naman ito saka nag pakilala.

"Hi, I'm Draze Andraine. nice to meet you."-- pakilala nito saka sinabayan ito ng isang ngiti o isang ngise?

Hindi ko alam pero bigla na lang nag iba ang tingin ko sa kaniya. Feeling ko may tinatago siya.

Minsan lang ako mag kamali sa nararamdaman ko kaya sana nga isa ito sa mali ko.

Dahil kung hindi... Hindi ako, kami mag dadalawang isip na pabagsakin siya.

Nakatingin lang ako sa kaniya kanina pa. Napansin niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya pasimple niyang inilibot ang paningin niya sa paligid hanggang sa mag katinginan kami.

Nang mag tama ang mga mata namin sumilay do'n ang isang ngisi. Ngising alam mong may ibig sabihin. 

Anong kailangan niya?

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now