Continuation of chapter 25

456 15 0
                                    

=Heilly Pov=

"Queen, anong gagawin natin? kikilos na ba tayo para hanapin si Drea o maghihintay pa tayo ng ilang araw pa?"

Tanog ni Ella.

Ilang araw na akong tulog, at ilang araw na ding wala si Drea, o dikaya ay puwede na nating sabihing nawawala siya.

Napag-alam din kasi namin na hindi pa siya nakakauwi sa kanila simula ng sabihin niya saming uuwi muna siya sa kanila, na karaniwan niya ng ginagawa every sunday.

kaya nakakapagtaka lang na hanggang ngayon ay wala pa siya dito.

"Gustuhin ko mang hanapin siya ay mas mabuting mag hintay pa tayo ng ilang araw pa. " Ani ko.

Tumango naman sila bilang pag sang-ayon.

"Isa pa, kahit na kinakabahan ako para kay Drea ay mas lamang parin ang nagsasabing nasa mabuting kamay siya. Dahil kung nasa kalaban natin si Drea ay sa palagay ko'y tumawag na sila para sabihing nasa kanila si Drea.". Dagdag ko pa na sabi.

"Kung sabagay Queen, May point ka. Dahil kung nasa kamay ng kalaban natin si Drea ay malamang sa malamang ay ipapatubos nila si Drea sa'tin.". Tugon ni Amanda.

"Tama si Amanda kaya mas mabuting mag hintay pa tayo ng ilang araw kay Drea. at kapag natapos ang araw na 'yun at wala pa siya ay saka tayo kikilos, Maliwanag?

"Yes, Queen."  Sabay-Sabay na sagot nila.

Samantala....

SOMEONE POV

"Mahal na hari, narito po ako upang mag ulat sa inyo."

Nakayukong sabi ng isa sa mga tauhan ko.

Ininom ko muna ang alak na nasa baso ko bago ako mag salita.

"Spill it."

"Tatlo po sa aming kasamahan ay natagpuang patay sa gitna ng gubat."

"WHAT?????"

"Sino ang pumatay sa kanila?!" 

Galit na sigaw ko sa kaniya

"Hindi po namin alam mahal na Hari, ngunit gagawa po kami ng paraan para mahanap kung sino ang pumatay sa kanila."

Nag iinit ang ulo ko dahil sa aking narinig. Buwiset! Panibago nanamang problema!

"Hanapin niyo 'siya' sa madaling panahon bago tayo muling sumugod sa palasyong iyun."

"Masusunod Mahal na Hari."

Yumuko ito bago tuluyang nilisan ang opisina ko.

Napakuyom na lang ang kamay ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin kami makapasok sa palasyong 'yun upang ito'y masakop na't maangkin.

Mag hintay lang sila... At sa muli kong pag sugod ay may malalagas na sa kanila.

Waahhaha *cough* *Cough*

Buwiset!

•••••••••••••••••

End of Chapter 25

The Daughter Of The Queen of VampireDove le storie prendono vita. Scoprilo ora