Chapter 63

346 20 0
                                    

=Ella Pov=

"H-how?" Nanlalaking matang sambit ni Khate matapos kong gamitin ang teleportation papunta sa jollibee.

Makita ang reaksyon ng mukha niya ay gusto kong batukan ang sarili ko. Tanga mo Ella!

Bakit ba hindi ko agad na isip na nasa ibang bahay kami. Plus, may mga kasama kami.

Kakatapos lang ng revelation namin sa pagiging gangster namin tapos heto ako ngayon, gumawa pa ng katangahan!

Nak ng... Ella naman!

Binalingan ko ng tingin si khate saka nag buntong hininga. Wala narin naman akong choice kundi sabihin ang totoo.

Langan namang mag sinungaling ako e. Isa ring bampira ang kasama ko. Plus, Princess Vampire pa ng kilalang palasyo sa lugar namin.

"Were the same." Tugon ko. Inayos ko ang damit kong suot. Hindi ko na hinintay pang mag sumagot siya at pumasok na ako sa loob.

Pag pasok sa loob ay agad kong nakuha ang atensyon ng mga taong kumakain dito ngayon. Psh. Iba na talaga kapag maganda.

Nag patuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang counter saka nag order ng pang 14 na tao-- vampire rather.

Marami akong in-order kaya matatagalan pa ang pag dating ng lahat ng in-order ko. Umupo ako sa bakanteng table na nakita ko.

Naiangat ko ang paningin ko Khate ng makitang umupo siya sa harapan ko. Gano'n parin ang mukha niya, nagtataka.

"So all this time ay mga bampira na pala ang nakakasalamuha namin." Hindi makapaniwalang sabi niya at bahagyang hininaan ang salitang bampira.

"But how? Paano niyong nalaman na bampira kami? Eh kung kayo nga na nakasagutan na namin ay hindi namin agad nalaman ang pagiging bampira niyo." Dagdag pa na sabi nito.

Tinignan niya ako. Hinihintay ang magiging sagot ko. Pero bago ko po siya sagutin ay dumating na ang lahat ng in-order namin.

Tumayo ako maging si Khate. Sabay kaming lumapit sa side ng counter at do'n kinuha ang lahat ng in-order namin.

Sa sobrang dami ng in-order namin ay halos hindi ko lahat yun mabuhat. Maging si Khate ay nahihirapin rin.

Nag patulong lang kami sa ibang waitress na buhatin yung iba palabas ng jollibee.

"Dito na lang po. Thank you po." Pag thank u ko sa mga waitress. Tumango naman sila saka pumasok na sa loob.

"Let's go home. at do'n narin namin sasagutin lahat ng tanong mo at ng mga kasama mo." After that ay nag teleport na muli kami.

*****

"O.M.G!!!! WAHHHHH MY IDOLLLLL!!!"

Napatakip kaming lahat ng tenga ng tumili si Samy matapos naming sagutin lahat ng katanungan nila.

Gosh! Kung sana nalaman ko agad na titili muli si Samy ay sana no'ng nasa hospital pa kami ay do'n na namin sinabi lahat ng tinatago namin. Edi sana isahan na lang.

"Shut up Samy!" Suway ni Khate sa kaniya pero parang walang narinig si Samy.

"I can't believe this! Ang idol ko sa gangster world at ang idol ko sa mga princess ng vampire ay iisa! WAHHHH this is so COOL!!!"

"God, Samy! Hindi ka ba napapaos?" Reklamo ni Aine.

"No." Nakangusong sagot ni Samy sa kaniya.

"Kung hindi ay puwede ba huwag ka ng tumili? Ang sakit sa tenga promise." Reklamo naman ni Tony.

Nag reklamo ang isang maingay din-- ani ko sa isip ko.

"Shut up Ella!"

Oops, mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Don't shout Ella, you idiot!" Sigaw ni Mike kay Tony.

Sumama naman ang mukh ni Tony. "Idiot? Ako? Ano, suntukan na lang?" At pumusisyon pa siya ng makikipag suntukan talaga.

"Ouch!" Daing niya ng batukan siya ni Heilly.

Balak pa sanang mag reklamo ni Tony pero pinanlakihan siya ng mata ni Heilly kaya nanahimik na ito sa tabi.

But i notice something. Tinignan ko si Heilly at si Klein. Nakahiga si Klein sa shoulder ni Heilly at ang mas nakakapag taka ay nakayap si Klein sa bewang ni Heilly.

Sila ba? Kaya hindi nagagalit si Heilly sa posisyon nila?

"Don't look at them babe, if your jealous, i'm here to hug you like Klein did to Heilly."

Sinamaan ko ng tingin si Mike. Ako selos? Baliw ba siya? Hindi ba muna puwedeng na curious lang.

"Jealous your face." irap ko sa kaniya at muling binalingan ng tingin sila Klein para mag tanong.

Pero bago pa ako mag tanong ay may nauna na sa'kin.

"Uno, anong relasyon niyo ni Heilly?" Lahat ng mata ay natuon ngayon kila Heilly na napaayos ng upo pero hindi parin umaalis si Klein sa pagkakayap kay Heilly.

Psh. Masydo siyang clingy.

"Heilly is my Fiance."

"WHAT?!!!!"

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now