Chapter 5

869 29 0
                                    

=Heilly Pov=

Pag dating namin sa room ay umupo kaagad kami sa upuan namin.

Sakto naman ang pag dating ni Sir saka nag simulang mag discuss.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig kay Sir ng mag vibrate ang phone ko.

Tinignan ko ang phone ko saka tinignan kung kaninong message ang dumating.

Kay manager...

From: Manager

; come here. Asap.

=end message=

Tsk. Kung kailan wala ako sa mood ngayon pa siya nag text.

Tumayo ako na siyang kinatigil ni sir sa pag sasalita saka nagtatakang tumingin sa'kin.

"I'm sorry sir pero emergeny lang akong kailangan puntahan." Sabi ko.

"No problem, you can go now."

"Thanks sir." Saka ako lumabas ng room.

PAG dating ko sa Parking lot ay siyang pag dating din ni......Klein? Sa'n naman kaya ang punta nit-- lah! pake'lam ko ba sa kaniya?

Nag katinginan kami ni Klein pero ako na ang unang umiwas saka sumakay sa sasakyan ko.

-----

Ilang minuto lang ang binyahe ko at nakarating na ako sa pupuntahan ko.

Pumasok ako sa loob ng restaurant. Yeah resto.

Pag pasok ko ay binati pa ako ng guard na nag babantay do'n. Tumango lang ako sa kaniya saka hinagilap si Manager.

Nasa pinakadulo ito na kaupo habang kumakaway sa'kin. Lumapit ako sa kaniya saka umupo sa bakanteng upuan.

"What do you need from me Manager?" I asked him directly.

Humigop muna siya sa iniinom niyang wine bago ako sinagot. " May pag-uusapan tayo. But before of that we need to wait My co-manager."

Co-manager? Sino do'n? Eh sa dami-daming Manager sa mundo kaya paano ko malalaman kung sino do'n?

Aish.

"Oo nga pala Manager, what if tanggihan ko na lang 'yung---"

"Oh They're here." Naputol ang sasabihin ko ng mag salita si Manager.

Nakatingin ito sa likod ko kaya bumaling din ako sa tinitignan niya. At do'n ko na kita si Manager Chris, but gay siya kaya Chrisia na siya ngayon.

At kasama niya ngayon ang alaga niyang kilala ng lahat.... Ang nag iisang... KLEIN SMITH.

Tumayo si Manager at lumapit kay Manager Chrisia at nakipag beso. Bumaling naman ang tingin niya sa'kin, tinanguan ko lang siya at gano'n din ang ginawa niya.

Table for 4 pala itong kinauupuan namin ay dahil mau hinihintay kami.

Akma akong lilipat ng upuan ng pigilan ako ni Manager Shun saka hinila si Manager Chrisia sa tabi niya.

Si Klein naman ay dire-direrto lang sa pag upo sa tabi ko. Psh.

"Waiter!" Tawag ni Manager sa waitress.

Nang makapili kami ng pagkain namin ay umalis agad ang waitress.

Busy lang ako sa phone ko ng mag salita si Manager Chrisia na kinakunot ng noo ko.

"They look good! They look like a couple!" Kung wala lang kami sa resto ay baka nag titili na silang dalawa.

Tsk. Kami bagay? They're crazy.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now