Chapter 68

331 16 0
                                    

=Drea Pov=


Dalawang araw na simula ng makita naming nahimatay si Ella dahil sa mga sugat na natamo niya. Maging si Queen ay hindi parin namin alam kung nasaan.


Hindi rin namin siya ma contact through mind. Kapag sinusubukan namin siyang contact-in ay sumasakit lang ang aming mga ulo.

Kailangan naming hintayin si Ella para malaman kung nasaan si Queen. Dahil hanggang ngayon kasi ay tulog parin si Ella.

Si Klein na laging seryoso kapag nakikita namin sa school ay mas lalo lang lumala yun.

Hindi namin siya makausap. Kumikilos din siya mag isa para mahanap si Queen. Pero tulad namin na hinahanap din si Queen ay hindi rin niya mahanap si Queen.

Habang lumilipas na hindi namin nakikita si Queen ay mas lalo akong kinakabahan.

Ngayon pa na hindi namin siya mahanap sa kung saan.

Nasa sala kaming lahat except kay Klein na nasa kwarto niya at si Mike na binabantayan parin si Ella, nang makarinig kami ng sigaw.

"GUYS!!!" Si Mike na tumatakbo pababa sa hagdan.

"Bakit?" Tanong ni Amanda.

"Si Ella gising na!"

Dahil sa sinabi ni Mike ay sabay-sabay kaming nagsi punta kay Ella. Pag bukas ng pinto ay naabutan namin si Ella at Klein na mukhang nag uusap na tungkol sa nangyari.

"Jusko Ella, bakit ngayon ka lang nagising?" Nag-aalalang tanong ni Amanda sa kaniya.

"Sorry guys kung hindi ko natulungan si Queen. Kung mas naging maingat lang ako sa galaw ko ay hindi siya do'n mag papaiwan. This is all my fault." Umiiyak na sambit ni Ella. Lumapit kami ni Amanda sa kaniya saka siya niyakap.

"No. Wala kang kasalanan. kagustuhan ni Queen na mag paiwan para makaalis ka do'n. So stop crying." Pag-aalo namin sa kaniya.

"Sorry parin."

"kamusta kana. May masaki--"

"--- where's Heilly."  Seryosong tanong ni Klein kay Ella kung kaya't mabilis niyang pinahid ang luhang umagos sa mata niya saka binalingan si Klein.

"Nasa abandonadong gusali si Queen. Do'n sa lugar kung sa'n kami ni Queen iniligtas."

"Sa gusaling 'yun? Ibang klase." Aine.

"Hindi lang 'yun. Ang gusaling 'yun na walang kalaman-laman, ngayon ay mayroon na."

"Anong ibig mong sabihin?" khate.

"Naroon ang ibang mga bad vampires. At do'n nila ginagawa ang masamang balak nila sa mga dalagang mortal."

"The heck?! Really?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Naghiwalay kami ni Queen. Ako sa second floor at siya naman sa First floor. Hindi ko alam na mas delikado pala ang second floor na 'yun at dahil hindi ko inaasahan yun ay naipit ako. Mas marami sila sa inaasahan namin ni Queen."

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now