Chapter 4

1K 26 1
                                    

=Heilly Pov=

Isang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang sagutan sa pagitan nila Ella at Khate.

Nakakatawa lang dahil hanggang ngayon ay usap-usapan parin 'yun... Hindi sila maka move on. Psh.

Nag lalakad kami ngayon ni Ella papunta sa room at heto siya sa tabi at nakakunot ang noo.

"Gosh! Hindi ba sila maka move on sa nangyari?" Inis na sabi niya. Palihim naman akong napatawa.

"Chill Ella, baka mamaya tumaas ang presyon mo at ma highblood ka." Pilit ko mang itago ang pagiging sarcastic ko ay hindi ko parin talaga yun na itago.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay na kinaaiwas niya.

"Huwag mo kong tignan ng ganiyan at baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo." Kunwaring galit na sabi ko.

"S-sorry." Utal na tugon nito habang nakayuko.

"Psh. I'm just joking okay? So chin up at narito na ang ibang kalaban." Mabilis naman itong nag taas ng tingin at sabay naming sinalubong ang kampon na si Katty.

Nakangise parin ito kapag nagkikita kami.

"Well... Well... Well, look who's here the MANG-AAGAW." at talagang diniinan niya pa ang salitang mang-aagaw.

"What do you want?" seryosong tanong ni Ella. Kita ko naman ang gulat at takot sa mata niya ng makita si Ella.

Psh. Sa tingin ko hindi niya napansin si Ella dahil nasakin ang atensiyon niya. Nakakatawa.

"Ano bang gusto mong mangyari, ha, Katty?" Muling tanong ni Ella. But this time ay mahinahon na.

"Gusto ko?" saka bumaling sa'kin. "Gusto ko lang naman na mapatalsik siya sa pagiging artista niya!" Sigaw nito dahilan para mapatingin sa'min ang mga studyanteng narito.

Attention seeker talaga si G*ga.

"Halika na Ella Jackson , ma le-late na tayo. Hayaan mo na iyang sila Katty Semon." Saka ko hinila paalis do'n.

Nakalimutan ko nga palang sabihin na isang artista si Katty Semon . Kasama ko siya sa iisang industriya pero mag kaiba kami ng manager.

At kung nagtataka kayo kung bakit lagi niyang bukambibig ang mang-aagaw ay dahil 'yun kay KLEIN BROOKER, ang lalaking hearthrob at SSG President ng school na ito.

Isa ring artista. At dahil si Klein Brooker ang kinuhang leading man sa isang movie na ginagawa at namili sila ng leading lady.

Ang totoo niyan ay wala akong pake kung sino ang mapiling leading lady nung guy kaya lang hindi ko naman kasalanan na ako ang mas sikat at angat... Kaya ayun ako ang kinuhang leading lady na siya namang gustong-gusto ni Katty.

Kung hihingin niya lang sana sa'kin ang pagiging leading lady sa maayos na paraan ay ibibigay ko naman.

Duh... Hindi naman ako madamot.

Sadyang baliw lang talaga siya...

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now