Chapter 49

359 20 0
                                    

=Heilly Pov=

Nang matapos ang pagkain namin ni Klein sa canteen ay dumaretso na ako sa room.

Hindi ko pa man naiitatapak ang paa ko sa loob ng room ay may naramdaman akong isang bagay na tatama sa likod ko.

Huminto ako sa balak kong pag pasok sa room saka mabilis na umilag. Saktong pag ilag ko ay siyang pag bulasok ng isang pana sa bintana.

Nabasak ang bintana sanhi para mag sigawan ang mga kaklase ko sa loob. Nanatili akong kalmado. Pumasok ako sa loob at tinungo ang pana.

Pag pasok ko sa loob ay mas narinig ko ang sigawan at bulung-bulungan ng mga kaklase ko. Sinawalang bahala ko ang ingay nila at lumapit ako sa puwestong pinag bagsakan ng pana.

Ramdam ko ang tingin nila sa'kin. Pinagpatuloy ko ang balak ko. Paglapit ko ay agad kong pinulot ang pana.

Pinagmasdan ko ang pana, gawa ito sa metal pero hindi yun ang mas napansin ko kundi ang isang papel na nakasabit dito.

Kinuha ko ito saka binuklat. Lihim na lang akong napailing ng mabasa ang nilalaman ng papel.

'Wecome to Hell, Heilly."

Psh. Welcome to Hell? Sinong tinakot nito? Hindi niya ba alam na galing na ako do'n? Pinabalik lang ako dahil hindi raw bagay do'n ang beauty ko?

Tsk. Huli na ata siya balita.

Nilagay ko ito sa bulsa ng blazzer ko saka nag tungo sa upuan ko. Nahagilap pa ng mata ko ang new classmate namin.

Mataman lang itong nakamasid sa'kin na akala mo isang scanner at sinusuri ako.

Umupo na ako maging ang mga kaklase ko ng pumasok si Sir Elrio. Nagulat pa ito ng makita ang basag na bintana.

Bago ito mag simula ng kaklase ay nag patawag muna ito ng janitor. Matapos malinis ang mga basag na bintana sa sahig ay nag simula na siyang mag turo.

                         ******

"Sa palagay mo Queen, sino ang nagbigay ng sulat na 'yun sa'yo?" Tanong ni Ella.

Nasa bahay ko silang anim ngayon at pinag-uusapan ang nangyari kanina sa room.

"Hindi ko alam."-- tugon ko.

"Wait, hindi kaya yung bago niyo yung kaklase?"-- lahat kami ay napatingin kay Drea.

Paano namang na dawit ang kaklase namin sa nangyari kanina?

"How?"-- Tanong ni Tatay Kurt.

"Hindi ko rin alam."-- Si Drea na nakayuko na ngayon. Napatampal na lang ako sa noo dahil sa kaniya.

"Umuwi ka na lang Drea, hindi ka nakakatulong."-- Ani Tony. Sinamaan naman siya ng tingin ni Drea.

"Eh ikaw, may naitutulong kaba?"--mataray na tanong ni Drea kay Tony

"Aba'y oo naman." confident na sagot ni Tony sa kaniya.

"talaga? Sige nga, anong naitulong mo?"

"Syempre kagwapuhan ko."-- Hindi ko tuloy na pigilan ang kamao kung tumama sa kaniya.

"Aray Queen!"-- Daing nito sabay himas sa parte ng ulo niyang binatukan ko.

He deserve it.

"Umayos ka Tony at baka ipatapon kita Mars."-- Banta ni Ella sa kaniya.

"Bukas na natin ito pag-usapan. Pero bago kayo umalis gusto kong maging alisto kayo. understand?"

"Yes Queen!"

After that ay sabay-sabay na silang lumabas ng bahay ko.

Siguraduhin lang niya, nila, na kapag nagkaharap kami ay madugong labanan ang mangyayari.

ash.

The Daughter Of The Queen of VampireKde žijí příběhy. Začni objevovat