Chapter 55

349 19 0
                                    

=Heilly Pov=

Nang imulat ko ang mata ko ay isang lugar na pamilyar ang bumungad sa'kin.

Sa pagkakatanda ko ay ito ang favorite place ko noong beginner pa lang ako sa school.

Napadpad lang talaga ako no'n sa garden ng minsang tinamad akong pumasok sa klase at naisipang libutin ang school hanggang sa napadpad na nga ako dito sa garden at naging tambayan ko.

"~Hmmm~~Hmmmm~~"

Nabaling ang tingin ko sa isang batang lalaking nag hu-humming.

May dala itong bola ng soccer at nakasuot ito ng headphone. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa ibaba ng malaking puno.

Umupo ito saka ipinikit ang kaniyang mata.

Na curious ako sa mukha nito dahil familiar sa'kin ang mukha niya, parang...

"Wahhhh!" Napitili ako ng bigla na lang may isang batang babae ang tumalon muka sa itaas ng puno.

Shit! Ano bang ginagawa ng isang batang babae sa itaas? At hindi ko man lang siya napansin.

Pero kung titignan ko ang pustura ng dalawang bata ay halatang galing sila sa marangyang pamilya.

Nakatalikod ang batang babae sa kinatatayuan ko kaya hindi ko kita ang mukha niya.

Maya-maya lang ay kinuha ng batang babae ang headphone ng batang lalaki kaya naimulat ng batang lalaki ang mata niya.

"Hi!" Hindi ko man nakikita ay alam kong nakangiti ang batang babae ng batiin nito ang batang lalaki.

"Who are you?"-- Napataas naman ang kilay ko ng marinig ang boses ng batang lalaki.

Ang bata-bata pa ay akala mo ay parang isang matandang lalaki na ang nagsasalita.

Masiyado itong seryoso.

"I'm Yiell."-- Pakilala ng batang babae at naglahad pa ng kamay sa harapan.

Yiell? Sa'n ko nga ba narinig yun?

"And you are?"

"I'm Nile." at nakipagshakehands pa sa batang babaeng si Yiell.

"So... We're friends now?" Alanganing tanong ni Yiell kay Nile. Pero ng tumango si Nile ay batid kung nakangiti na itong si Yiell.

"Yehey!!!"

"Shhhh. Now, sit beside me."-- Utos ni Nile kay Yiell na sinunod naman agad ni Yiell.

Dahil nakaharap sa'kin si Nile ay makikita ko narin ang mukha ni Yiell.

Ng makita ko na ang mukha ng batang babaeng si Yiell ay nangunot ang noo ko dahil kahawig ko ito ng bata ko.

Hindi kaya...

Lalapalit sana ako sa dalawa para kumpirmahin kung ako ba yung batang babae o hindi pero ihahakbang ko palang sana ang paa ko ng bigla na lang nag iba ang scene na nakikita ko.

Ang kaninang Garden ng school ay napalitan ng isang park. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Huminto ang paningin ko sa dalawang bata na masayang naglalaro sa ilalim ng puno.

Napangiti na lang ako sa nakikita ko. Masaya sila na tipong walang problemang dinadala.

Pero.....

Ang kaninang nakangiting ako ay napalitan ng pangamba.

Ang bilis ng pangyayari. Ang kaninang masayang naglalarong dalawang bata ngayon ay iyak at sigaw na ng batang lalaki ang nakikita ko.

"NILE!!"

Pinipilit ng batang lalaki na habulin ang sasakyang ginamit para kunin ang batang babae.

"NILE!!"

Pero dahil sa wala ng lakas ang kaniyang binti ay bigla na lang siyang napaupo sa malamig na semento.

"YIELL!"

"YIELL!"

"YIELL!"

"YIELL!"

Paulit-ulit nitong sigaw sa pangalang Yiell na batang babae.

"YIELL! TANDAAN MO ANG PANGALAN KO! NILE! NILE ANG PANGALAN KO!"

"HAHANAPIN KITA!"

NILE?

Bakit? Bakit nasasaktan akong nakikita si Nile na umiiyak?

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now