Chapter 7

769 30 0
                                    

SOMEONE POV

"Anong balita sa pinapagawa ko sa inyo?" May bahid ng awtoridad sa boses kong tanong sa kanila.

"Boss, nabalitaan naming wala ang anak nilang babae sa kanilang palasyo. At walang makapag sabi kung kailan ito babalik." Sagot ng isa sa mga tauhan ko.

Napangise ako sa narining ko. Hmmm... Kung sinuswerte ka nga naman.

" 'yun lamang ba ang maiuulat mo sa'kin?"

"Meron pa po mahal na hari. Ang rinig ko ay wala silang alam tungkol sa pagmamanman natin sa kanila. Sabi pa ng nag mamanman sa kanila ay parang wala raw silang ginagawang hakbang. Normal lamang ang kilos nilang lahat."

"Magandang balita iyan. Mag sihanda kayo at lulusubin natin ang palasyo nila bukas ng gabi. HAHAHAHHA."

"Masusunod mahal na hari." Yumuko muna ito bago umalis sa'king silid.

HAHAHHA mapapasakin narin ang palasyong inaasam ko matagal na panahon na. Hahahahha magkikita tayong muli aking mahal.

=Heilly Pov=

Matapos ang meeting namin sa restaurant ay nag pasiya akong umuwi sa bahay.

Feeling ko nasayang ang oras ko sa pakikipag usap kila Manager Chrisia Smith. Mga wala namang katuturan pinuputak nila.

Pag dating ko sa bahay ay dumaretso akong sala. Umupo ako sa sofa saka isinandal ang ulo ko sa head board ng sofa.

Calling...

Kinuha ko ang phone ko sa bag saka sinagot ang tumatawag.

"SWEETIE!!!!!" Shit. Nailayo ko agad ang phone ko sa tenga dahil sa tinis ng boses ni Mom.

Arghhh. Bakit ko ba kasi hindi muna tinignan ang caller? Nak ng...

"Mom, bakit ka ba sumisigaw!"

"Eh... Sweetie naman, miss na kasi kita kaya sobrang tuwa ko ng sagutin mo ang tawag ko." Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong sobrang lapad ng ngiti niya.

Kapag kasi siya ang tumatawag ay hindi ko siya sinasagot. Isa lang namang kasi ang lagi niyang sinasabi. ' sweetie, uwi kana'.

"Sweetie, nandiyan ka pa ba?"

"Yeah. I'm here. Bakit ka ba tumawag mom?"

"Eh sweetie uwi ka na kasi dito. Please?"

See? 😑

"Mom, uuwi ako diyan kapag gusto ko na okay? If you want. Isusurprise kita."

"Really!!! i-su-surprise mo ako?! Wahhhhh honey! Narinig mo? I-su-surprise daw ako ni Sweetie! Yieeee i'm excited na." Napailing na lang ako sa pagiging childish ni Mom

"Mom, ibababa ko na 'to. I'm tired. Bye mom, i love the both of you."

"Hihihihi love you too sweetie. Bye."

Then i hang up the call.

Tumayo ako saka pumunta sa kuwarto. Humiga ako sa kama at hinayaang dalawin ng antok.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now