Chapter 25

452 20 0
                                    

=Heilly Pov=

Unti-unti kong minulat ang mata ko ng makarinig ako ng mga boses. Mga nag-uusap.

Unang bumungad sa'kin ang familiar na kisame sa'kin.

Natigil ako sa pagtitig sa kisame ng marinig ang boses nila.

""Guys, paanp kung hanapin na lang natin si Drea?"

Rinig kong sabi ni Tony.

Wait... Tama ba ang narinig ko? Si Drea hahanapin?

Bakit nawawala ba siya?

"Ang tanong sinong mauunang mag hanap sa kaniya. Alam niyo namang hindi natin puwedeng iwan si Queen dito."

Ani Ella.

"Ako at si Tony na lang muna ang maghahanap. At sa pag balik namin at hindi namin kasama si Drea ay ang natitira sa atin ang maghahanap."

Ani Mike.

Totoo bang nawawala si Drea?

Pero... Paano? 

"Ang tanong kailan kayo aalis ni Tony?"

Rinig kong boses ni Amanda.

"Puwedeng ngayon na para makabalik agad kami kung sakaling hindi namin makita agad si Drea."   Ani Mike.

"Sige na umalis na kayo at ng hindi kayo---"

Hindi ko na pinatapos pang mag salita si Ella ng mag salita na ako.

Gusto kong sumama sa paghahanap kay Drea... kung totoo mang nawawala siya.

"Sasama ako." Ani ko

Sabay-sabay naman silang napalingon sa'kin.  At gano'n na lang ang gulat nila ng makita ako.

Bakit naman kaya ganiyan sila kung makatingin? 

"QUEEN!!!!" 

Napatakip agad ako sa tenga ko ng marinig ang sigaw nilang lima.

Gosh. Balak ba nilang sirain ang eardrums ko?

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now