Chapter 42

387 16 0
                                    

=Heilly PoV=

Nang imulat ko ang mata ko ay ang puting kisame ang tumambad sa'kin. Napakatahimik ng paligid at tanging pag tulog lang ng life line machine ang naririnig ko.

"Aray."-- daing ko ng tinangka kong umupo.

"Tsk."

Nabaling ang tingin ko sa kanan ko ng marinig ang familiar na boses na 'yun.

"Hindi ka pa okay kaya huwag mo ng piliting umupo."

"What are you doing here?"-- tanong ko sa paos na boses.

"You want water?"-- Tanong nito. Psh. Hindi man lang nag abalang sagutin ang tanong ko.

"Can you?"---tugon ko sa paos parin na boses.

"Wait there."

Umayos na lang ako ng higa at hinintay ang tubig.

Ilang araw na ba akong tulog at hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang sugat sa tagiliran ko?

Kapag naalala ko ang nangyari sa palasyo ay hindi ko maiwasang maawa kay Draco.

=flashback=

"DRACO!!!!"-- Sigaw ko ng makapasok ako sa palasyo.

Nakaupo na siya sa trono ng ama ko. Kulang na lang ang reyna at maging ang trono ni Mom ay maupuan narin.

"Oh your here."--- tugon nito. Parang alam niyang darating ako at nakakatuwang hindi siya kinakabahan ngayon.

Akalain mong tinakasan ng takot ang hari ng kadiliman.

"Why are you doing this?! Why do you want to destroy and claim our palace?!"

Hindi ko alam pero yun na lang ang kusang lumabas sa bibig ko.

Tumawa naman ito ng pagak at maya-maya lang din ay biglang sumeryoso.

"Manang-mana ka talaga sa'yong Ina. Mainipin. Pero hindi 'yun naging rason para hindi ko siya mahalin."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Mahalin? Si Mom?

"What do you mean?"

"Hindi pala sa'yo na kuwento ni Reyna ang Helena ang tungkol sa'min?"-- saglit itong tumigil. " Kung sabagay matagal niya na akong kinalimutan."

Ngayon, ngayon ko lang nakita ang lungkot at sakit sa mata niya liban sa takot at pagkabahala sa tuwing makikita niya ako.

Ano nga bang meron sila ni Mom no'n?

At anong ibig sabihin niyang kinalimutan siya ni Mom?

"Your mom betrayed me." Pagak itong tumawa. "Minahal ko siya pero hindi ko alam na mali pala ang ginawa kong mahalin siya.  Dahil ang mahalin sya? Para sa'kin yun ang pagkakamaling dapat hindi ko ginawa.

"A-ano bang sinasabi mo?"

"The first time i laid my eyes on her, i thought she's my ending. But i'm wrong ... Yeah. naging kami ni Helena, sobrang saya ko no'n pero simula ng dumating si Lexus, ang iyong ama, ang prinsipe ng Whiterian Kingdom ay nag iba na si Helen---"

"Stop! Bakit mo sinasabi sa'kin lahat ng 'yan?!"

"Nung una lang siyang naging sweet sa'kin, pero habang tumatagal ay palayo na ng palayo ang loob niya sa'kin. And it's because of Lexus... Iniisp ko nga lang na... Siguro sinagot lang ako no'n ni Helena ay dahil anak ako ng namamahala sa paaralan na pinapas---"

"Arghhhh! Stop! Puwede ba diretsuhin mo na lang ako?!"

Nagulat pa ako ng makita ang mata niyang lumuluha. Nakayuko siya habang nagkukuwento kaya hindi ko nakita ang mukha niya kanina.

"Ang tanong mo kanina ay kung bakit ko gustong maangkin ang kaharian niyo? Ay dahil 'yun kay Helena! Sinira niya ako! Sinaktan! Pero alam kong hindi ako magiging masaya kahit na nakuha ko na ang kaharian nato dahil kapag naalala ko ang nangyari no'n ay alam kong kahit kailan hindi ako nanalo.

"Kaya dapat lang na mamatay si Lexus! Dahil sa kaniya ay nawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko!"

"Hindi kasalanan ni Dad ang nangyari no'n! Kaya wala siyang dapat na pagbayaran sa'yo!"

"Walang kasalanan? Hah! Kung hindi lang sana siya nahulog kay Helena ay sana kami pa hanggang ngayon!"

"Walang alam si D--"

"May alam siya! Alam niyang kami ni Helena! Pero anong ginawa niya?! Niligawan niya parin si Helena! Kaya ngayon, sabihin mo sa'king wala siyang alam!"

Natahimik ako sa sinabi niya. ibig sabihin, kasalanan ni Dad? B-bakit ginawa 'yun ni Dad?!

Bakit siya nanira ng relasyon ng iba?!

"Umalis kana."--nabaling ang tingin ko kay Draco dahil sa sinabi niya.

"At huwag ka ng bu---"

"HUWAG!!!!" --naisigaw ko na lang ng makita ang nangyari kay Draco.

Nasaksak siya ng isang kawal namin. Napaluhod siya habang umuubo ng dugo.

Balak ko sana siyang lapitan ng may naramdaman akong papalapit sa'kin. Huli na bago ko pang maiwasan ang espada at tumagos na ito saking tagiliran.

Traydor!

Nanghihina man ay nagawa ko paring patayin ang dalawang kawal namin. Ang traydor na kawal namin.

Nilingon ko si Draco. Nagiging abo na siya, pero bago siya tuluyang mawala ay may sinabi siya sa'kin.

"T-tell y-your m-mom i- love h-her u-until m-my l-last b-breath. A-and i-i a-already f-forgive h-her a-and L-lexus."

At do'n na siya tuluyang naging abo. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilang umiyak.

Nasasaktan ako, hindi dahil sa sugat na nasa katawan ko. Kundi dahil sa sinabi ni Draco.

=End of Flashback=

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now