Chapter 54

342 17 0
                                    

=Ella POV=

"Kanina pa natin siya sinusundan mula sa canteen, pero hanggang ngayon ay wala man lang tayong makitang kahina-hinala sa kaniya. Sa tingin mo Ella, tama ba ang suspect na tinuturo mo?"

Hindi kami pumasok nila Drea at Amanda sa mga klase namin. Mag mula kasi ng makalabas kami kanina sa mga pang umagang klase namin at patagong sinusundan si Draze ay wala pa rin kaming makitang kahinahinala sa kaniya.

Masiyadong planado ang galaw niya. Hindi rin ako tanga para hindi mapansin na kanina niya pa kami napapansin sa palihim na pag sunod sa kaniya.

Gumagalaw siya ayon sa plano niya. Mahirap siyang mabasa. Lalo na ang isip niya.

Napag-alam ko rin na hindi ko nababasa ang nasa isip niya. Ibig sabihin katulad nga namin siya. Ang tanong nga lang ay kung kakampi ba siya o kalaban.

"Titigil na tayo sa palihim na pag sunod sa kaniya. Maging ang utos ko kila Mike ay ipapahinto ko narin."

"Bakit?" Takang tanong ni Drea.

Oo nga pala, nasa garden kami ngayon. Nakaupo kami sa bawat sanga ng puno na narito. Nag iisa lang itong puno rito pero malaki siya.

And the rest, mga bulaklak na ang nakapalibot sa garden.

"Dahil alam ni Draze na sinusundan natin siya. Masiyadong malakas ang pandama niya. Kaya kailangan na natin itong itigil bago pa tayo mapahamak."

Hindi narin ako magtataka kung maging si Amanda ay alam ang rason ko kung bakit ko ipapatigil ang planong ako mismo ang bumuo.

"This is not good. Sasabihin ba natin kay Heilly?"

"Ofcourse, Drea. Pag dating niya mismo ay sasabihin na natin sa kaniya. Titigil man natin ito ay huwag niyong ibababa ang depensa niyo." Tumango naman silang dalawa.

"Papasok pa ba tayo?"- Tanong ni Drea

"Hindi na. Umuwi na lang tayo."

"YESS!!!"

Napailing na lang ako sa pagiging isip ni Drea.

=Heilly Pov=

"Why did'nt you tell me about your true identity?"-- Tanong ni Klein ng makalabas kami ng palasyo nila.

Sa Bakuran niya ako dinala para makapag usap kami ng masinsinan.

"Your not asking."-- Pabalang kong sagot. Nangunot naman ang noo ni Klein.

"What?"-- inosente kong tanong. Napahilot naman ito sa noo niya saka umupo sa damuha paharap sa'kin.

"Just answer my question, Heilly."

"Tamad ako ngayon kaya sa susunod na lang."--Mas lalo namang sumama ang mukha niya. Gusto ko tuloy tumawa dahil sa reaction ng mukha niya ngayon.

Pero huwag na at baka bugahan pa ko nito ng apoy.

You know... Prinsipe ng Firean Kingdom.

"Bumalik na tayo sa loob at baka hindi natin masundan ang pinag-uusapan ng mga ma---"

"I miss you."-- Gulat akong napatingin kay Klein ng marinig ang sinabi niya.

Ano daw?!

"A-anong sabi mo?"

"I miss you."

"W-why?"

"After 10 years i finally see you, Yiell."

Matapos niyang banggitin ang pangalang Yiell ay bigla na lang sumakit ang ulo ko.

[*Yiell! Hahanapin kita!*   ]
[                                             ]
[                                             ]
[*Hanggang sa muli, Nile*]

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sobrang sakit. May nakita pa akong isang blured na Imahe ng isang batang lalaki at isang batang babae.

A-ano itong nakikita ko?

B-bakit may ganitong scene akong nakikita?

"Heilly, wha'ts wrong?"-- Nabaling ang tingin ko kay Klein pero hindi ko alam dahil nagiging itim ang paningin ko.

"HEILLY?!"

"HEILLY?!"

Huli kong narinig ang pagtawag ni Klein sa pangalan ko bago tuluyang nag dilim ang paningin ko.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now