Chapter 12

620 24 0
                                    

=Heilly Pov=

Dalawang araw ng nakalipas simula ng sinalakay kami ng Darkians Kingdom.

Pero hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa gunggong nilang Hari.

Matapos niya lang akong nakita ng gabing 'yun ay bigla na lang siyang nawala na parang bula.

Hari pa man din siya pero kabaklaan lang ang taglay niya.

"Heilly, hindi ka parin ba nakaka move on sa nangyari?" Mahihimigan sa boses nito ang pang-aasar kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mo na bang mamatay? Sabihin mo lang at ngayon pa lang ay mag papahukay na ako ng lupa."

"Hehehehe joke lang. Hayaan mo na lang kasi 'yun. Sure akong babalik uli iyun."

Kung sabagay tama siya. Haystt minsan na nga lang akong makapag banat ng buto ay hindi ko pa nagawa.

"Class dismiss."

Sabay kaming lumabas ni Ella ng classroom. Pag labas namin ay may humarang sa'ming limang lalaki.

Mga may itsura naman sila pero dahil sa mga piercing na suot nila ay nag mumukha silang dugyot at adik.

"Anong kailangan niyo?" Seryosong tanong ni Ella sa kanila.

Ngumise naman ang nasa gitna saka
sinenyasan ang isa sa kasama nito.

"Here." Sabi nito at inabot kay Ella ang isang pirasong papel. Naka fold ito kaya hindi ko mabasa ang nakasulat.

"See you." Sabi nito saka silang umalis na lima.

Nang makaalis sila ay siyang pag kuha ko ng papel kay Ella.

8:30 𝙿.𝙼 𝚒𝚗 𝚄𝙶, 𝚕𝚊𝚝𝚎𝚛

•••••••••••••••

"Pupunta ba tayo do'n?" Tukoy ni Ella sa UG.

Nasa canteen kami ngayon at pinag uusapan ang tungkol sa laban mamaya.

"Yeah. Isa pa, sayang 'yung perang makukuha natin do'n sa laban."

"Marami ka namang pera kaya aanhin mo pa 'yun?"

"I-do-donate sa bahay ampunan o kung saan man. Sabihan mo na lang sila mamaya. Tamad ako." Sumimangot naman ito.

"Eh palagi ka namang tamad. Ano pa nga bang nag bago sa'yo?"

"Shut up."

"Shut up." Panggagaya nito sa sinabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ang baliw inirapan lang ako.

Aba't gusto atang mawalan ng mata ni g*ga...

💜💜💜💜💜💜💜💜

The Daughter Of The Queen of VampireKde žijí příběhy. Začni objevovat